Isiping mawalan ng tubig nang tatlong araw o mahigit pa. Paano ka maliligo, magluluto, maglilinis? Ano ang iinumin mo?
Ang mga suplay ng tubig ay maaaring maapektuhan sa isang emerhensya. Mag-imbak ng suplay ng tubig para sa tatlong araw o mahigit pa.
Huwag itapon ang mga bote na walang lamang tubig o may-fizz na inumin, linising mabuti at punan ng tubig ang mga ito. Kailangan mo ng tatlong litro ng tubig kada tao para sa bawat araw na wala kayong tubig. Huwag gamitin ang mga bote ng gatas. Mahirap linisin ang mga ito at maaaring magdulot sa iyo ng sakit. Huwag ding kalimutang mag-imbak ng tubig para sa mga sanggol at alagang hayop.
Maaari kang mag-imbak ng tubig nang hanggang isang taon kung hahaluan mo ng walang-amoy na household bleach (pampaputi na gamit sa bahay). Gumamit ng kalahating kutsarita sa bawat sampung litro ng tubig at huwag inumin ito nang mga kalahating oras matapos ihalo. Lagyan ng etiketa ang bawat bote na may petsa kung kailan ito pinuno. Imbakin ang mga bote sa isang malamig, madilim na lugar.
Tandaang mag-imbak din ng tubig para sa pagluluto at paglilinis. Maaari mong gamitin ang tubig na nasa iyong hot water cylinder, ngunit mag-imbak ng karagdagang tubig sa mga malalaking plastik na sisidlan.
Maaari mo ring punan ng tubig ang mga plastik na sisidlan ng sorbetes at ilagay sa freezer ang mga ito. Makakatulong ito na panatilihing malamig ang pagkain kung walang kuryente at maiinom din ito.
Ang pag-unawa sa mga epekto ng isang emerhensya ay maaaring makatulong sa iyo na makaraos. Kausapin ang mga tao sa iyong sambahayan at alamin ang inyong gagawin sa mga sitwasyong ito.