Ang mga emerhensya ay maaaring mangyari sa anumang oras, saanman, at kadalasan ay walang babala. Mahalagang gumawa ng pang-emerhensyang plano upang alam mo ang gagawin kapag may mangyaring emerhensya.
Ang Ministry for Ethnic Communities at ang National Emergency Management Agency ay nagtulungan upang lumikha ng seryeng ito ng mga video, para alam ng komunidad ang dapat gawin upang maghanda para sa iba't ibang mga sakuna at emerhensya, at paano tutugon kung mangyari ang mga ito.
Ipapaliwanag sa video na ito ang paggawa ng planong pang-emerhensya.
Ang pang-emerhensyang plano para sa sambahayan ay ipinapaalam sa lahat sa iyong sambahayan ang gagawin sa isang emerhensya at paano maghahanda. Ang pagkakaroon ng plano ay gagawing hindi labis na nakaka-stress ang tunay na sitwasyong pang-emerhensya.
Gumawa ng plano para sa iyong pamilya at makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan mo sa araw-araw at alamin ang iyong gagawin kung wala ka ng mga iyon.
Tiyaking ang iyong plano ay kahanay sa iba pang mga pang-emerhensyang plano para sa mga lugar na pinag-gugugulan mo ng maraming oras.
Gumawa ng plano sa online kasama ang iyong pamilya upang makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.
Sa isang emerhensya, maaari kang ma-istak sa trabaho, na walang masasakyang pauwi. Gumawa ng personal na pang-emerhensyang plano para sa lugar ng trabaho upang alam mo kung sino ang kokontakin sa trabaho at magplano ng ligtas na pag-uwi.
Hilingan ang mga kawani na punan ang isang personal na pang-emerhensyang plano para sa lugar ng trabaho para sa isang emerhensya sa oras ng trabaho.
Ang pagpaplano para sa mga emerhensya ay mabuti para sa negosyo. Tutulong itong panatilihin kang ligtas at ang iyong mga manggagawa at mababawasan ang hindi pagtatrabaho.
Alamin ang pang-emerhensyang plano ng inyong early childhood centre o paaralan.
Gumawa ng pang-emerhensyang plano para sa marae upang tulungan ang inyong marae na maging handa hangga’t maaari para sa isang likas na sakuna o emerhensya.
Ang Marae Emergency Preparedness Plan (Plano sa Kahandaan sa Emerhensya ng Marae) ay tumutulong ihanda ang marae para sa isang emerhensya. Hinihikayat nito ang whānau, hapū at iwi na pag-isipan ang maaaring maging epekto ng mga likas na sakuna.
Ang pang-emerhensyang plano para sa komunidad ay tutulong sa inyong komunidad na maunawaan kung paano ninyo matutulungan ang isa’t isa sa isang emerhensya. Ang pakikipag-usap sa ibang tao sa inyong komunidad ay isa sa pinakamagaling na mga paraan upang maghanda para sa mga emerhensya.
Gumawa ng pang-emerhensyang plano para sa komunidad. Ang pang-emerhensyang plano para sa komunidad ay tutulong sa inyong komunidad na maunawaan kung paano ninyo matutulungan ang isa’t isa sa isang emerhensya.
Nasa sa iyo upang tiyaking alam ng iyong pamilya (whānau) at ng mga taong iyong minamahal kung ano ang gagawin.