Lahat ng mga baybaying-dagat ng New Zealand ay nanganganib sa tsunami. Ang pag-alam ng pambabalang mga palatandaan at ang tamang aksyong gagawin ay maaaring makatulong magligtas ng buhay. Alamin ang gagawin bago, sa oras at pagkatapos ng isang tsunami.
(Ang mga salitang ‘When an earthquake happens’ ay lumulutang sa screen. Ngunit ang biglang pagyanig ay sisira sa mga ito at babagsak sa lupa.)
Kapag may nangyaring lindol, kailangan mong mag-isip. Mahirap bang tumayo?
(Isang tao ang nakatayo sa tabi ng lumulutang na mga salitang ‘Is it hard to stand up?’. Ngunit nagsimulang yumanig ang lupa at ang mga salita ay nasira at bumagsak sa lupa. Ang tao ay dumapa sa kanyang mga kamay at tuhod at nagsuklob ng kanyang ulo gamit ang kanyang mga kamay.)
O nagtagal ba ito nang mahigit sa isang minuto?
(Ang taong nasa sahig ay nananatili sa posisyong iyon habang ang mga salitang ‘Or has it lasted...’ ay nakalitaw sa screen. Itataas ng tao ang kanyang ulo habang ang mga salitang ‘... Longer than a minute’ ay lumitaw din. Ang mga salita ay malalaglag mula sa itaas ng screen sa tunog ng tik-tok ng kamay ng orasan.)
(Isang larawan ng bunduk-bundukan na may ilang mga bahay ang pupuno ngayon sa screen. Ang dagat ay nasa ibaba ng bunduk-bundukan.)
Pagkatapos, kung ikaw ay malapit sa baybaying-dagat...
(Isang location pin (pin na pang-lokasyon) ang lilipad-lipad sa ibabaw ng pinakamababang bahay.)
… Pumunta kaagad sa pinakamalapit na mataas na lugar...
(Ang dagat ay nagiging isang alon ng tsunami na sumasaklaw sa bunduk-bundukan. Ang mga location pin ay lilipad sa tuktok ng bunduk-bundukan na hindi maaabot ng tubig.)
… O na malayong-malayo sa baybay-dagat hangga’t maaari.
(Mawawala ang dagat at ang bunduk-bundukan ay magiging patag na lupa na may ilang mga bahay. Ang location pin ay nasa ibabaw ng bahay sa dulong kaliwa. Ang location pin ay lilipad sa kanan at iiwan ang mga bahay.)
(Mawawala ang location pin at matitira ang tao na nakatayo sa lupa.)
Huwag hintayin ang opisyal na babala sa tsunami.
Lumikas kaagad.
(Ang mga salitang ‘Go immediately’ ay lilitaw at tutumbok sa tao na magpapatakbo sa kanya pawala sa screen.)
(Ngayon, ang tao ay nasa tuktok ng bunduk-bundukan kasama ang kanyang pamilya.)
Pagkatapos ay mananatili doon hanggang sa masabihan sila na okey na ang lahat.
(Isang thumbs up icon ang lilitaw sa tabi ng pamilya.)
Kung ang lindol ay Matagal o Malakas, Lumikas.
(Lilitaw ang Civil Defence logo sa screen. Ang mga salitang ‘Long? Or Strong Get Gone’ ay lilitaw sa ilalim, kasunod ang url www.civildefence.govt.nz)
Kung ang isang lindol ay Matagal o Malakas: Lumikas.
Pumunta kaagad sa pinakamalapit na mataas na lugar o nang malayong-malayo sa baybay-dagat hangga’t maaari. Huwag hintayin ang opisyal na babala sa tsunami.
Ang Ministry for Ethnic Communities at ang National Emergency Management Agency ay nagtulungan upang lumikha ng seryeng ito ng mga video, para alam ng komunidad ang dapat gawin upang maghanda para sa iba't ibang mga sakuna at emerhensya, at paano tutugon kung mangyari ang mga ito.
Ipapaliwanag sa video na ito ang dapat gawin kung may tsunami.
Alamin ang iyong panganib sa tsunami. Ang inyong Civil Defence Emergency Management Group ay may mga mapa ng sona para sa paglikas sa tsunami at payo. Tiyaking alam mo kung saan pupunta, maging ikaw ay nasa bahay man, sa trabaho o gumagala.
Regular na repasuhin ang iyong seguro. Mahalaga ang pagkakaroon ng seguro para sa iyong bahay at mga nilalaman upang tulungan ka kung mapinsalaan ka sa isang sakuna.
Hindi natin mahuhulaan ang mga sakuna, ngunit maaari nating paghandaan ang mga ito. Isa sa pinakamainam na mga lugar na mapagsisimulan ay ang iyong bahay. Alamin ang iyong magagawa upang gawing mas ligtas ang iyong bahay at bakit dapat mong tingnan nang regular ang iyong seguro.
Gumawa ng plano sa online kasama ang iyong pamilya upang makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.
Ang inyong Civil Defence Emergency Management Group ay may mga mapa ng sona para sa paglikas sa tsunami at payo. Tiyaking alam mo kung saan pupunta, kung ikaw man ay nasa bahay, trabaho o gumagala.
Sa isang emerhensya, ikaw ay maaaring ma-istak sa bahay nang tatlong araw o mahigit pa. Ang iyong bahay ay puno na ng pang-emerhensyang mga bagay na kunwari ay mga pang-araw-araw na mga bagay. Alamin kung anong mga suplay ang iyong kailangan at magplano upang makaraos.
Para sa tsunami na may lokal na pinagmulan, na maaaring dumating sa loob ng ilang minuto, wala nang oras para magbigay ng opisyal na babala. Mahalagang kilalanin ang mga likas na senyales ng babala at kumilos nang maagap.
Dumapa, Sumuklob at Kumapit kung may pagyanig ng lindol. Kapag huminto na ang pagyanig, pumunta kaagad sa pinakamalapit na mataas na lugar o sa malayong-malayo sa baybay-dagat hangga’t maaari palayo sa mga sona ng paglikas sa tsunami. Kahit na hindi ka makaalis sa iyong sona ng paglikas, pumunta sa pinakamataas na kaya mo. Bawat metro ay gumagawa ng kaibahan sa sitwasyon.
Kung ikaw ay malapit sa dalampasigan at daranas ng alinman sa mga sumusunod, kumilos. Huwag nang maghintay pa ng mga opisyal na babala.
Tandaan, Matagal o Malakas, Lumikas.
Lumakad, tumakbo o magbisikleta kung maaari upang bawasan ang tsansa na maipit sa kasikipan ng trapiko.
Dalhin lamang ang iyong mga alagang hayop kung hindi ito makakaantala sa iyo. Huwag mag-aksaya ng panahon sa paghanap sa kanila at kung ikaw ay wala sa bahay, huwag kang umuwi para kunin sila.
Habang lumilikas, iwasan ang mga peligrong sanhi ng napinsala ng lindol, lalo na ang mga natumbang mga poste ng kuryente.
Huwag uuwi hanggang sa makatanggap ka ng opisyal na mensahe na okey na ang lahat mula sa Civil Defence.
Tandaan, Matagal o Malakas, Lumikas.
Dumapa, Sumuklob at Kumapit habang yumayanig. Protektahan muna ang iyong sarili laban sa lindol.
Kapag huminto na ang pagyanig, pumunta kaagad sa pinakamalapit na mataas na lugar o sa malayong-malayo sa baybay-dagat hangga’t maaari palayo sa mga sona ng paglikas sa tsunami.
Kapag naglakbay ang tsunami sa dagat mula sa malayo, may higit kaming oras upang balaan ang mga tao kung ano ang gagawin.
Ang Civil Defence ang nag-iisyu ng mga babala sa tsunami sa New Zealand.
Ang mga babala sa tsunami ay nakalathala sa website ng National Emergency Management Agency(external link). Ang mga babala sa tsunami ay ibo-broadcast din sa radyo at telebisyon. Isang Emergency Mobile Alert ang maaari ring maisyu kung may banta ng pagbaha sa mga lupain.
Maaari ring i-broadcast ang mga babala sa pamamagitan ng:
Kontakin ang inyong Civil Defence Emergency Management Group para sa karagdagang payo. Masasabi nila sa iyo ang mga babalang ginagamit sa inyong pook.
Sundin kaagad ang payo ng anumang pang-emerhensyang babala. Huwag hintayin ang higit pang mga mensahe bago ka kumilos.
Maaaring makatanggap ka ng hindi opisyal na mga babala. Ang mga hindi opisyal na babala ay maaaring manggaling sa:
Kung ang babala ay tila mapagkakatiwalaan, pag-isipang lumikas. Tingnan ang kawastuan ng babala kapag nakalikas o nasa daan ka na kung hindi ito makakapagpabagal sa iyo.
Kung may makukuhang opisyal na mga babala, pagtiwalaan ang kanilang mensahe kaysa sa hindi opisyal na mga babala.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Umuwi lamang kapag ikaw ay nasabihang ligtas na para gawin ito.
Makinig sa radyo o sundan sa online ang Civil Defence Emergency Management Group. Bibigyan ka nila ng impormasyon at mga tagubilin.
Kung may lindol, asahang magkakaroon pa ng karagdagang mga pagyanig. Ang higit pang paglindol ay maaaring magpasimula ng isa pang tsunami. Maghanda upang lumikas.
Lumayo sa mga baybaying-dagat, tidal estuary (ang bahagi kung saan nagsasalubong ang ilog at dagat), ilog at sapa nang mga 24 na oras makaraan ang anumang tsunami o babala ng tsunami. Maski ang maliliit na alon ay lumilikha ng mapanganib na agos.
Iwasan ang mga pook na naapektuhan ng tsunami. Maaaring maging sagabal ka sa pagliligtas at iba pang pang-emerhensyang mga gawain at malagay sa karagdagang panganib mula sa natitirang mga epekto ng pagbaha na galing sa tsunami.
Tulungan ang iba kung kaya mo, lalo na ang mga taong maaaring mangailangan ng karagdagang tulong.
I-download at ibahagi ang papel-kaalamang ito tungkol sa gagawin bago, habang at pagkatapos ng tsunami.
I-download at i-print ang poster na ito. Ipaskil ito sa iyong bahay, paaralan, trabaho o komunidad. Tandaan, kung ang lindol ay Matagal o Malakas, Lumikas.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.