Tungkol sa website ng Get Ready, copyright (karapatang-sipi) at impormasyon sa paglisensya.
Ang Get Ready website ay pinapatakbo ng National Emergency Management Agency(external link).
Ang National Emergency Management Agency ang namumuno sa pagbawas ng panganib, paghahanda, pagtugon sa emerhensya at pagpanumbalik sa dati mula sa mga emerhensya. Ito ay namamahala sa pangunahing pagtugon ng pamahalaan at mga tungkulin sa pagpapanumbalik sa dati para sa pambansang mga emerhensya, at sumusuporta sa pangangasiwa ng lokal at pang-rehiyong mga emerhensya.
Ang National Emergency Management Agency ay isang independiyenteng ahensya ng kagawaran na nasa ilalim ng Department of the Prime Minister and Cabinet(external link).
Ang materyal na copyright sa website ng Get Ready ay protektado ng copyright na ari ng National Emergency Management Agency sa ngalan ng Crown. Maliban kung may naiibang pahiwatig para sa partikular na mga bagay o koleksyon ng nilalaman (maging kulang o nasa loob ng partikular na mga bagay o koleksyon), ang materyal na copyright na ito ay nilisensyahan para muling magamit sa ilalim ng Creative Commons Attribution 4.0 International licence. Sa totoo, libre mong makokopya, maibabahagi at maibabagay ang materyal, basta’t iyong kikilalanin ang National Emergency Management Agency at susundin ang iba pang kondisyon ng lisensya. Mangyaring tandaan na ang lisensyang ito ay hindi tumutukoy sa anumang mga logo, sagisag (emblems) at tatak na nasa website o sa mga elemento ng disenyo ng website. Ang partikular na mga bagay na iyon ay hindi maaaring gamiting muli nang walang maliwanag na permiso.
Para lamang sa mga layunin ng kaginhawahan at impormasyon, ang website na ito ay nagbibigay ng mga link sa iba pang mga website. Ang ibang mga website na ito ay maaaring magtaglay ng impormasyon na copyright ng ikatlong mga partido at saklaw ng mga paghihigpit sa muling paggamit. Ang permiso sa paggamit ng mga materyal na may copyright mula sa ibang website ay dapat kunin mula sa may-ari ng copyright at hindi maaaring kunin mula sa National Emergency Management Agency.
Upang basahin ang kopya ng Creative Commons Attribution 4.0 International licence, bisitahin ang https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/(external link)
Ang website ng Get Ready ay gumagamit ng “cookies” upang kumulekta ng impormasyon tungkol sa mga kagawian mo sa pag-browse, na tutulong sa amin na magbigay ng mas mahusay na karanasan at maghatid ng nauugnay na pag-anunsyo tungkol sa kahandaan sa emerhensya. Ang cookies ay simpleng mga text file na inilalagay sa iyong kompyuter, upang kumulekta ng istandard na internet log na impormasyon at pag-uugali ng bumibisita sa isang anyong di-makikilala.
Ang ikatlong partidong mga organisasyon, kabilang ang Google at Facebook ay kumukulekta ng ilang impormasyon kapag bumisita ka sa website ng Get Ready upang maunawaan kung paano gumagana ang website at upang magdispley ng aming mga anunsyo kapag ikaw ay bumisita sa ibang mga website.
Maaari mong tanggapin o tanggihan ang cookies sa pamamagitan ng pagbabago ng setting sa iyong browser. Ang pag-disable sa cookies ay hindi aapekto sa kakayahan mong gamitin ang aming mga website.
Kung gusto mong mag-enable/disable ng cookies sa iyong browser, maaari mong gawin ito sa:
Kung gusto mong mag-komento sa site na ito, o tungkol sa impormasyong taglay nito, mangyaring mag-email sa amin sa communicationsnema@nema.govt.nz