Lahat ng New Zealand at nanganganib sa mga lindol. Hindi natin mahuhulaan kung kailan may mangyayaring isa, ngunit maaari nating protektahan ang ating sarili at ang ating pamilya. Alamin ang gagawin bago, sa oras, at makaraan ang lindol.

(Ang mga salitang ‘When an earthquake happens’ ay lumulutang sa screen. Ngunit ang biglang pagyanig ay sisira sa mga ito at babagsak sa lupa.)

Kapag may nangyaring lindol, kaagad Dumapa Sumuklob Kumapit.

(Isang taong mabilis na gumapang papunta sa ilalim ng mesa habang lumilitaw sa itaas niya ang mga salitang Dumapa Sumuklob Kumapit. Sinusukluban ng tao ang kanyang ulo at leeg gamit ng kanyang mga kamay. Inaabot niya ang isang kamay para masunggaban ang isang paa ng mesa.)

Dumapa upang ikaw ay hindi matumba.

(Isang tao ang nasa gitna ng screen na may salitang Dumapa na lumutang sa tabi niya. Dumapa siya habang nagsisimula ang dumadagundong na ingay.)

Sukluban ang iyong ulo at leeg.

(Sinusukluban ng tao ang kanyang ulo at leeg ng kanyang mga kamay. Lilitaw sa itaas niya ang mga salitang ‘Protect head, neck and vital organs’.)

Pumailalim sa isang mesa kung kaya mo.

(Lilitaw ang isang mesa sa tabi ng tao at gagapang siya sa ilalim nito, susukluban pa rin ang kanyang leeg ng isang kamay. Sa pagpunta niya sa ilalim ng mesa at pagsuklob na muli sa kanyang ulo, malalaking block ang babagsak sa ibabaw ng mesa. Lilitaw sa itaas ng mesa ang mga salitang ‘Be a smaller target for falling objects’.)

At kumapit hanggang sa huminto na ang pagyanig.

(Habang bumabagsak ang mga block sa sahig, susunggaban ng tao ang isang paa ng mesa. Ang mga salitang ‘No table? Hold your head and neck’ lilitaw sa itaas ng mesa ang.)

(Lilitaw ang Civil Defence logo sa screen. Lilitaw sa ilalim ang url www.civildefence.govt.nz)

Tandaan: Dumapa Sumuklob at Kumapit

Kaag may lindol, Dumapa, Sumuklob at Kumapit.

Dumapa sa iyong mga kamay at tuhod. Sukluban ang iyong ulo at leeg. Kumapit sa iyong kanlungan.

Bawasan ang mga epekto ng lindol

Gawing mas ligtas ang iyong bahay. Ikabit at itali ang mga bagay na maaaring mahulog at makasakit sa iyo kung may lindol.

Regular na repasuhin ang iyong seguro. Mahalaga ang pagkakaroon ng seguro para sa iyong bahay at mga nilalaman upang tulungan ka kung mapinsalaan ka sa isang sakuna.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Natural Hazards Commission Toka Tū Ake logo

Bisitahin ang website ng Natural Hazards Commission Toka Tū Ake para sa karagdagang impormasyon upang gawing mas ligtas ang iyong tahanan.

Ko e laini matutaki ki Loto
A house

Hindi natin mahuhulaan ang mga sakuna, ngunit maaari nating paghandaan ang mga ito. Isa sa pinakamainam na mga lugar na mapagsisimulan ay ang iyong bahay. Alamin ang iyong magagawa upang gawing mas ligtas ang iyong bahay at bakit dapat mong tingnan nang regular ang iyong seguro.

Maghanda bago lumindol

Tukuyin ang mga suplay na maaaring kailanganin ninyo at magkasamang magplano.

Magpraktis ng Dumapa, Sumuklob at Kumapit ng mga dalawang beses isang taon. Magagawa mo ito kapag nagbago ang mga orasan at sa pamamagitan ng paglahok sa New Zealand ShakeOut(external link). Mahalagang praktisin ang tamang aksyon para alam mo ang gagawin kung may mangyaring tunay na lindol.

Tukuyin ang mga ligtas na espasyo upang Dumapa, Sumuklob at Kumapit sa loob ng iyong bahay, paaralan, at iba pang mga lugar na madalas mong puntahan.

  • Sa isang lugar na malapit sa iyo, ilang hakbang lamang ang layo, upang maiwasan ang pinsala mula sa mga bagay na natangay ng hangin.
  • Sa ilalim ng isang matibay na mesa. Kumapit sa mga paa ng mesa para hindi ito umurong palayo sa iyo.
  • Malayo sa mga bintana na maaaring mabasag at maging sanhi ng pinsala. At sa mga matataas na muwebles na maaaring bumagsak sa iyo. Protektahan ang iyong ulo at leeg ng iyong mga braso.
  • Hindi sa pintuan. Sa karamihan ng mga bahay, ang mga pintuan ay hindi kasing-tibay ng ibang bahagi ng isang bahay at ang pabukas-bukas na pinto ay maaaring maging sanhi ng higit pang pinsala.
Ko e laini matutaki ki Fafo
Natural Hazards Commission Toka Tū Ake logo

Bisitahin ang website ng Natural Hazards Commission Toka Tū Ake para sa karagdagang impormasyon upang gawing mas ligtas ang iyong tahanan.

Ko e laini matutaki ki Loto
Emergency supplies on some pantry shelves

Sa isang emerhensya, ikaw ay maaaring ma-istak sa bahay nang tatlong araw o mahigit pa. Ang iyong bahay ay puno na ng pang-emerhensyang mga bagay na kunwari ay mga pang-araw-araw na mga bagay. Alamin kung anong mga suplay ang iyong kailangan at magplano upang makaraos.

Ano ang dapat gawin sa oras ng lindol

Dumapa, Sumuklob at Kumapit ay tamang aksyon na magagawa kapag may lindol. Ito ay:

  • pipigil sa iyo na mabuwal
  • ginagawa kang isang mas maliit na target para sa mga nahuhulog at tinatangay ng hanging mga bagay, at
  • pinoprotektahan ang iyong ulo, leeg at mahahalagang bahagi ng katawan.

Huwag tumakbo sa labas at baka ikaw ay manganib matamaan ng bumabagsak na mga brick at salamin.

Kung ikaw ay malapit sa baybay-dagat, tandaan, Matagal o Malakas, Lumikas.

Dumapa, Sumuklob at Kumapit

Kaag may lindol, Dumapa, Sumuklob at Kumapit.

Dumapa sa iyong mga kamay at tuhod. Sukluban ang iyong ulo at leeg. Kumapit sa iyong kanlungan.

Alamin kung paano gagawin ang Dumapa, Sumuklob at Kumapit
男士和他的兒子在桌子下示範蹲下、掩護和抓住

Ano ang dapat gawin makaraan ang paglindol

Asahan ang higit pang pagyugyog. Tuwing makaramdam ka ng yumuyugyog na lindol, Dumapa, Sumuklob at Kumapit. Ang marami pang pagyugyog ay maaaring mangyari sa loob ng ilang minuto, araw, linggo, buwan at kahit taon makaraan ang paglindol.

  • Suriin ang sarili para sa mga pinsala at kumuha ng first aid kung kailangan.
  • Huwag tumakbo sa labas. Nakakatakot manatili sa loob ng isang gusali pagkatapos na pagkatapos ng lindol, ngunit mas ligtas ito kaysa pumunta sa labas. Ang lindol ay hindi katulad ng sunog. Hindi mo kailangang lisanin ang isang gusali kaagad maliban kung ito ay nagpapakita ng malinaw na mga palatandaan ng pagkasira o ikaw ay nasa isang sona ng paglikas sa tsunami.
  • Isara ang tubig, patayin ang kuryente at gas kung pinayuhang gawin ito. Kung ikaw ay makaamoy ng gas o makarinig ng umiihip o sumasagitsit na ingay, buksan ang isang bintana, mabilis na palabasin ang lahat at patayin ang gas kung magagawa mo.
  • Kung may makikita kang mga siklab, sirang kable o ebidensya ng pinsala sa sistema ng elektrisidad, patayin ang kuryente sa pangunahing fuse box kung ligtas na magagawa ito.
  • Kung kaya mo, magsuot ng pamprotektang pananamit na nagtatakip sa iyong mga braso at binti, at matitibay na sapatos. Ito ay upang protektahan ang iyong sarili mula sa pagkapinsala ng mga nasirang bagay.
  • Kung ikaw ay nasa isang tindahan, di-pamilyar na gusaling pangkomersyo o pampublikong sasakyan, sundin ang mga tagubilin ng mga namamahala.
  • Gamitin ang social media o mag-text sa halip na tumawag upang panatilihing bukas ang mga linya ng telepono para sa mga pang-emerhensyang tawag.
  • Kontrolin ang iyong mga alagang hayop. Protektahan sila mula sa mga peligro at protektahan ang ibang tao mula sa iyong mga hayop.
  • Tingnan ang iyong mga kapitbahay at sinuman na maaaring mangailangan ng iyong tulong.

Kung napinsala ang iyong propyedad

  • Huwag gumawa ng anumang maglalagay sa panganib sa iyong kaligtasan o lalo pang makapinsala sa iyong propyedad.
  • Kontakin ang iyong kompanya ng seguro sa lalong madaling panahon.
  • Kung inuupahan mo ang iyong propyedad, kontakin mo ang iyong landlord (may-ari) at ang kompanya ng seguro para sa mga nilalaman.
  • Kunan ng litrato ang anumang pinsala. Mapapabilis nito ang mga pagtasa ng iyong mga paghahabol (claims).

Tauhi ke ke kei ma‘u atu ‘a e ngaahi fakamatalá

Fanongo ki he letioó pe muimui ki ho‘omou Civil Defence Emergency Management Group ‘i he ‘initanetí.

Alamin kung paano mananatiling may kaalaman
A cartoon woman receiving Emergency Mobile Alert next to a dog floating

Mga uri ng peligro

Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.