Hindi natin mahuhulaan ang mga sakuna, ngunit maaari nating paghandaan ang mga ito. Isa sa pinakamainam na mga lugar na mapagsisimulan ay ang iyong bahay. Alamin ang iyong magagawa upang gawing mas ligtas ang iyong bahay.

Paano magagawang mas ligtas ang iyong bahay

Maaari kang gumawa ng mga hakbang upang bawasan ang mga epekto ng emerhensya sa iyo at sa iyong propyedad.

  • Gumamit ng mga bracket o strap (salalayan o pantali) upang siguruhin ang mga muwebles na mataas at mabigat sa mga ulo ng pako sa dingding.
  • Ilipat ang mga bagay na mabibigat at babasagin sa mga mas mababang istante o cupboard.
  • Magsabit ng mga larawan at salamin gamit ang angkop na mga sabitan (hindi isa lang na pako).
  • Tiyaking alam mo ang lokasyon ang pang-emerhensyang pampatay na mga switch at gripo para sa gas at tubig.
  • Ang ilang mga brick at kongkretong chimney (tsimenea) ay nasa mas malaking panganib ng pagkabuwag sa lindol. Tingnan ang website ng Natural Hazards Commission Toka Tū Ake para sa karagdagang impormasyon kung paano gagawing mas ligtas ang mga chimney.
  • Kung ang iyong bahay ay may nakabiting pundasyon ng sahig, suriin na ang mga ito ay nasa mabuting kondisyon. Suriin na mahusay ang mga koneksyon sa pagitan ng mga pundasyon at bahay sa ibabaw.

Noong Pebrero 2021, nagkaroon ng mga pagbabago sa New Zealand’s Residential Tenancy Act. Ang mga pagbabagong ito ay ginawang mas madali para sa mga nangungupahan na gawing mas ligtas sa lindol ang kanilang tinitirhan. Kung ikaw ay nangungupahan at nais mong gawing ligtas sa lindol ang iyong inuupahan, tiyaking mong makipag-usap muna sa iyong landlord (may-ari) o sa manedyer ng propyedad.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Natural Hazards Commission Toka Tū Ake logo

Bisitahin ang website ng Natural Hazards Commission Toka Tū Ake para sa karagdagang impormasyon upang gawing mas ligtas ang iyong tahanan.

Tingnan ang iyong seguro

Ang pagkakaroon ng seguro para sa iyong bahay at mga nilalaman ay talagang mahalaga upang ikaw ay makabangon kung makaranas ka ng pinsala sa isang sakuna. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng pribadong polisiya ng seguro para sa bahay na kasali ang sa sunog (karamihan ay mayroon nito), ay nangangahulugang ikaw ay awtomatikong magiging marapat para sa produkto sa seguro ng Natural Hazards Commission Toka Tū Ake, ang NHCover (dating EQCover).

Mahalagang regular na repasuhin ang iyong seguro. Ilang mga pangunahing bagay na dapat tingnan ay:

  • Ano ang saklaw ng iyong polisiya ng seguro, pati na rin ang hindi nito sinasaklawan.
  • Kung ikaw ay may sapat na saklaw ng seguro upang itayong muli ang iyong bahay at palitan ang iyong mga mamahaling bagay pagkatapos ng emerhensya.

Kung dumanas ka ng pinsala mula sa isang likas na peligro, tandaang kunan ng maraming litrato ang mga ito. Pagkatapos ay makipag-ugnayan sa iyong pribadong tagaseguro upang gumawa ng claim. Tatasahin, pamamahalaan at aayusin nila ang iyong kabuuang claim sa ngalan ng Natural Hazards Commission Toka Tū Ake, kabilang ang bahaging NHCover.

Ihanda ang iyong sambahayan

Nasa sa iyo upang tiyaking alam ng iyong pamilya (whānau) at ng mga taong iyong minamahal kung ano ang gagawin.