Ang pag-unawa sa mga epekto ng isang emerhensya ay maaaring makatulong sa iyo na makaraos. Kausapin ang mga tao sa iyong sambahayan at alamin ang inyong gagawin sa mga sitwasyong ito.
Ang pananatili sa bahay ay maaaring mangahulugan na walang kuryente o tubig o anumang paraan ng pagkuha ng mga suplay nang tatlong araw o mahigit pa.
May sapat ka bang pagkain at tubig? Paano ang mga tao na nangangailangan ng gamot? May sapat ka bang pagkain at tubig para sa mga alagang hayop para makaraos din sila?
Sa isang emerhensya, maaaring hindi tumatakbo ang mga pampublikong sasakyan, at ang mga kalsada at kapitbahayan ay maaaring naharangan.
Kung hindi mo magamit ang karaniwang dinaraanan mo pauwi, paano ka makakarating doon? Sino ang sasamahan mo? Saan kayo magkikita-kita kung hindi maaaring pumasok sa inyong kalye?
Ang ilang mga bahay, kalye at kapitbahayan ay maaaring hindi ligtas na panatilihan at ikaw ay maaaring umalis ng bahay nang mabilisan.
Kung pinalikas ang inyong kalye, saan ka pupunta? Ano ang dadalhin mo? Paano ang mga alagang hayop? Kailangan ba ng tulong ng iyong mga kapitbahay?
Ano ang iyong gagawin kung mawalan ng kuryete nang maraming araw. Paano ka makakakita, magluluto, magpapainit?
Ang pagkaputol ng kuryente ay maaaring makaapekto sa mga makinang EFTPOS at ATM. Magtabi ng cash sa bahay, o sapat na mga suplay upang ikaw ay makaraos nang tatlong araw o mahigit pa.
Isiping mawalan ng tubig nang tatlong araw o mahigit pa. Paano ka maliligo, magluluto, maglilinis? Ano ang iinumin mo?
Ang mga suplay ng tubig ay maaaring maapektuhan sa isang emerhensya. Mag-imbak ng suplay ng tubig para sa tatlong araw o mahigit pa.
Ano ang gagawin mo kung mawawala ang mga linya ng telepono at internet? Paano ka makikipag-ugnayan, mag-aayos ng pakikipagkita o mananatiling may kaalaman sa mga balita at babala sa panahon?
Sa karamihan sa mga emerhensya, pinakamabuti ang manatili sa bahay. Gawin ang iyong bahay na lugar ng pagkikita-kita at magkaroon ng alternatibong lugar sakaling hindi ka makapunta roon.
Nasa sa iyo upang tiyaking alam ng iyong pamilya (whānau) at ng mga taong iyong minamahal kung ano ang gagawin.