Ano ang gagawin mo kung mawawala ang mga linya ng telepono at internet? Paano ka makikipag-ugnayan, mag-aayos ng pakikipagkita o mananatiling may kaalaman sa mga balita at babala sa panahon?
Sa karamihan sa mga emerhensya, pinakamabuting manatili sa sarili mong bahay. Gawin ang iyong bahay na lugar ng pagkikita-kita at magkaroon ng alternatibong lugar sakaling hindi ka makapunta roon.
Kausapin ang iyong pamilya kung paano kayo mag-uugnayan at saan kayo magkikita-kita sa isang emerhensya.
Tiyaking alam mo ang mga pang-emerhensyang plano ng inyong paaralan o early childhood centre. Bigyan sila ng mga pangalan ng tatlong tao na maaaring sumundo sa mga bata kung hindi ka makarating doon.
Magkaroon ng radyong pinapatakbo ng solar o baterya upang maging up to date ka sa pinakabagong mga balita at babala. Alamin kung aling istasyon ng radyo ang pakikinggan para sa impormasyon sa oras ng emerhensya.
Alamin kung paano mananatiling may kaalaman
Magtabi ng nakasulat na listahan ng mahalagang mga numero ng telepono.
Sa isang emerhensya, ang mga linya ng telepono ay mabilis na napupuno ang kapasidad. Panatilihing bukas ang mga linya upang ang mga tawag na pang-emerhensya ay makapasok at, kung kaya mo, gamitin ang text o magmensahe sa online upang manatiling nakikipag-ugnayan.
Ang pag-unawa sa mga epekto ng isang emerhensya ay maaaring makatulong sa iyo na makaraos. Kausapin ang mga tao sa iyong sambahayan at alamin ang inyong gagawin sa mga sitwasyong ito.