Ano ang iyong gagawin kung mawalan ng kuryete nang maraming araw. Paano ka makakakita, magluluto, magpapainit?

Maaaring maapektuhan ng kawalan ng kuryente ang mga makinang EFTPOS at ATM, kaya tiyaking may kaunti kang pera sa bahay, o sapat na mga suplay upang makaraos ka nang tatlong araw o mahigit pa.

Pangunahing mga mungkahi

Magkailaw

Ang iyong pang-emerhensyang mga suplay ay hindi kailangang nasa isang kit, ngunit maaaring kailangang hanapin mo ang mga ito sa dilim. Tiyaking alam ng lahat kung nasaan ang mga flashlight (torch) at baterya.

Alamin ang mga suplay na kailangan ninyo

Manatiling nakikinig

Magkaroon ng radyong pinapatakbo ng solar o baterya upang manatili kang up to date sa pinakabagong mga balita at babala. Alamin kung aling istasyon ng radyo ang pakikinggan para sa impormasyon sa oras ng emerhensya.

Alamin kung paano mananatiling may kaalaman

Mag-imbak

Mag-imbak ng pagkain na hindi na kailangang iluto (mainam ang de-lata) o magkaroon ng paglulutuan ng iyong pagkain (de-gas na barbecue o pang-kamping na kalan). Huwag kalimutan ang pagkain para sa mga sanggol at alagang hayop.

Unahin ang fridge

Kapag nawalan ng kuryente, unang kainin ang pagkain na nasa fridge, pagkatapos ay ang nasa freezer. Pagkatapos ay kainin ang pagkain na nasa inyong cupboard (paminggalan) o sa inyong pang-emerhensyang kit.

Kausapin ang iyong mga kapitbahay

Kausapin ang iyong mga kapitbahay kung ano ang gagawin nila kung mawalan ng kuryente. Maaaring malaman mo na mayroon silang de-gas na barbecue at ikaw ay may sapat na pagkain at tubig para mapagsaluhan (o ang kabaligtaran).

Pag-usapan ang tungkol sa mga epekto

Ang pag-unawa sa mga epekto ng isang emerhensya ay maaaring makatulong sa iyo na makaraos. Kausapin ang mga tao sa iyong sambahayan at alamin ang inyong gagawin sa mga sitwasyong ito.