Ang pagdanas ng isang kapahamakan ay maaaring nakakapuspos. Normal lang para sa iyo at sa iyong pamilya (whānau) na madismaya at mapagod habang at pagkatapos ng isang emerhensya.
Sa isang emerhensya, tumawag sa 111.
Mahalaga ang iyong pangkaisipan at pandamdaming kagalingan. Normal lang na ma-stress o mabalisa sa oras at pagkatapos ng isang emerhensya. Ngunit may mga bagay na iyong magagawa upang bumuti ang pakiramdam.
Maaari kang mag-text o tumelepono sa 1737 upang makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo. Maaari siyang makatulong kung ikaw ay:
Kung nadarama mong hindi ka makakaya, makipag-usap sa isang propesyonal sa kalusugan. Humingi ng medikal na tulong mula sa iyong doktor o sa isang tagapagbigay ng pangkaisipang kalusugan na pamilyar sa mga epekto ng mga sakuna.
Ilang mga tao ang maaaring hindi kailanman magkakaroon ng reaksyon. Ang iba ay maaaring magkaroon ng naantalang mga reaksyon na lilitaw makaraan ang mga araw, linggo o kahit mga buwan matapos mangyari ang sakuna. Hindi lahat ay nagkakaroon kaagad ng reaksyon. Maaaring mawala ang iyong mga sintomas at pagkatapos ay muling babalik kapag may isang bagay na magpapaalala sa iyo ng kapahamakan.
Makaraan ang isang kapahamakan, tiyaking makipag-usap sa isang tao tungkol sa iyong nadarama. Maaaring may hinirang sa inyong pook na isang dalubhasang tagapayo sa krisis makaraan ang sakuna.
Humanap ng payo tungkol sa pag-unawa ng emosyonal na mga reaksyon sa mga emerhensya at positibong mga paraan ng pagkaya sa website ng Ministri ng Kalusugan.
Humanap ng mga mungkahi mula sa All Right? tungkol sa pag-aalaga ng iyong sarili at ng iba kapag mahirap ang panahon.
Ang All Right? ay isang kolaborasyon ng Canterbury DHB at ng Mental Health Foundation of New Zealand. Ito ay inilunsad noong 2013 upang suportahan ang sikolohikal na pagpapanumbalik sa dati ng mga taga-Canterbury pagkatapos ng mga lindol noong 2010 at 2011.
Humanap ng praktikal na mga mungkahi at pamamaraan mula sa Mentemia upang magkaroon ka ng kontrol sa iyong pangkaisipang kagalingan.
Ang Mentemia ay nilikha ng dating All Black at tagataguyod ng pangkaisipang kagalingan na si Sir John Kirwan, tech entrepreneur na si Adam Clark, at isang dalubhasang pangkat ng mga medikal na tagapayo.
Humanap sa Melon ng magasing pangkalusugan, mga mapagkukunan at mga tool (kagamitan) sa sariling kamalayan upang tulungan kang mamahala ng iyong pangkaisipang kagalingan.
Ang Melon ay nagbibigay din ng komunidad sa online para sa mga taga-New Zealand upang sumuporta sa isa’t isa at arawang mga webinar para sa kalusugan at kagalingan
Humanap ng mga online na kurso sa Just a Thought upang turuan ka ng praktikal na mga istratehiya upang makayanan ang stress.
Humanap ng impormasyon at payo tungkol sa pangangalaga ng iyong sarili at ng iyong pamilya sa website ng depression.org.nz.
Kapag tayo ay balisa o depressed, maaaring baguhin nito kung paano tayo nag-iisip, dumadama at kumikilos. Ang pagkaya sa mga mahirap na panahon ay maaaring maging mahirap ngunit hindi ka nag-iisa.
Humanap ng mga mungkahi para sa pagkaya pagkatapos ng isang pambansang sakuna upang masuportahan ang iyong kagalingang pangkaisipan.
Ang All Sorts ay binuo ng Mental Health Foundation upang tulungan ang mga tao na maibalik ang ilan sa ahensyang iyon at pagkontrol na maaaring naalis ng pandemya at mga likas na sakuna.
Humanap ng mga mungkahing galing sa magsasaka para sa magsasaka, suportado at ibinatay sa siyensya ng kagalingan.
Ang Farmstrong ay dinisenyo para sa mga magsasaka, manananim at sa kanilang mga pamilya upang makayanan ang tagumpay at kabiguan ng pagsasaka sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay na maaari nilang gawin para pangalagaan ang kanilang sarili at ang mga tao sa kanilang negosyo.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.