Ang pagguho ng lupa ay maaaring mangyari nang walang babala. Ang mga ito ay kadalasang bunga ng malalakas na ulan, lindol at, sa ilang mga kaso, aktibidad ng tao. Alamin ang gagawin bago, habang, at pagkatapos ng isang pagguho ng lupa.
Alamin kung maguhuin ang lupa sa inyong pook. Ang mga pook na maguhuin ang lupa ay kinabibilangan ng mga pook na may:
Regular na repasuhin ang iyong seguro. Mahalaga ang pagkakaroon ng seguro para sa iyong bahay at mga nilalaman upang tulungan ka kung mapinsalaan ka sa isang sakuna.
Hindi natin mahuhulaan ang mga sakuna, ngunit maaari nating paghandaan ang mga ito. Isa sa pinakamainam na mga lugar na mapagsisimulan ay ang iyong bahay. Alamin ang iyong magagawa upang gawing mas ligtas ang iyong bahay at bakit dapat mong tingnan nang regular ang iyong seguro.
Ihanda ang iyong sambahayan. Alamin ang mga suplay na maaaring kailanganin ninyo at magkasamang gumawa ng plano.
Masasabi sa iyo ng inyong lokal na Civil Defence Emergency Management Group kung may nangyari na dating mga pagguho ng lupa sa inyong pook.
Alamin ang pambabalang mga palatandaan upang ikaw ay makakilos nang maagap kung makita mo ang mga ito. Regular na inspeksyunan ang iyong propyedad, lalo na makaraan ang mahabang panahon ng tagtuyot, lindol o malakas na pag-ulan. Abangan ang:
Maging alerto kapag nagmamaneho, lalo na kung may mga dike sa gilid ng kalsada. Tingnan ang kalsada para sa natibag na aspalto, putik at bumagsak na mga bato.
Gumawa ng plano sa online kasama ang iyong pamilya upang makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.
Sa isang emerhensya, ikaw ay maaaring ma-istak sa bahay nang tatlong araw o mahigit pa. Ang iyong bahay ay puno na ng pang-emerhensyang mga bagay na kunwari ay mga pang-araw-araw na mga bagay. Alamin kung anong mga suplay ang iyong kailangan at magplano upang makaraos.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Umalis kaagad sa daraanan ng pagguho ng lupa.
Lumikas kung iyong bahay o gusali na kinaroroonan mo ay nasa panganib — dalhin ang iyong grab bag at mga alagang hayop kung magagawa mo ito nang mabilis.
Balaan ang mga kapitbahay at tulungan ang iba kung kaya mo.
Kontakin ang mga serbisyong pang-emerhensya at ang inyong lokal na council.
Manatiling alerto para sa mga pagguho ng lupa sa hinaharap.
Lumayo sa pook ng pagguho ng lupa hanggang sa ito ay wastong nasuri at nagsabi ang mga awtoridad na ayos na ang lahat.
Mag-ulat ng nasirang mga linya ng utility sa tamang mga awtoridad.
Tanimang muli ang mga napinsalang lupa sa lalong madaling panahon. Ang pagkatibag na sanhi ng kawalan ng panakip na lupa ay maaaring humantong sa flash flooding.
Tulungan ang iba kung kaya mo, lalo na ang mga taong maaaring mangailangan ng karagdagang tulong.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.