Ang matinding init at heatwave ay maaaring makaapekto sa lahat. Kahit na ang maliliit na pagtaas sa katampatang temperatura ay maaaring makapinsala sa mga tao.

Ang mga sanggol, matatanda at mga taong may malubhang pangmatagalang karamdaman ay mas nasa panganib mula sa init. Alamin kung ano ang dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng matinding init at mga heatwave.

Bawasan ang mga epekto ng init

Sa mainit na panahon, pinakamabuting manatili sa loob. Maraming paraan para maihanda ang iyong tahanan para sa matinding init.

  • Siguraduhin na ang iyong tahanan ay maayos na naka-insulate. Maaari kang maglagay ng weather stripping sa paligid ng mga pinto at bintana upang panatilihin ang malamig na hangin sa loob.
  • Kung mayroon kang air conditioning, suriin ang mga duct para sa tamang insulation.
  • Takpan ang iyong mga bintana. Magsabit ng mga shade o awning upang protektahan ang iyong mga bintana mula sa araw.
  • Kung mayroon kang attic, maaari kang mag-install ng attic fan. Ang mga bentilador ay maaaring magpalabas ng mainit na hangin mula sa iyong attic upang panatilihing malamig ang iyong tahanan.

Maghanda para sa init

Gumawa ng plano kasama ng iyong pamilya (whānau) tungkol sa pagpapanatiling ligtas sa matinding init. Dapat alam ng lahat kung ano ang gagawin sa bahay, sa paaralan, sa trabaho o sa komunidad. Ang ilang mga lugar ay walang air conditioning at hindi ligtas sa panahon ng matinding init.

Ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa UV radiation ng sikat ng araw ay ang Slip, Slop, Slap at Wrap.

Sa New Zealand, ang MetService ay naglalabas ng mga alerto sa init para sa matinding init. Manatiling napapanahon sa mga pinakabagong taya ng temperatura at mga alerto mula sa MetService.

Ko e laini matutaki ki Loto
Hands marking off a checklist

Gumawa ng plano sa online kasama ang iyong pamilya upang makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.

Ko e laini matutaki ki Fafo
MetService logo

Manatiling up to date sa mga taya ng panahon ng MetService.

Ko e laini matutaki ki Fafo
SunSmart logo

Ang sikat ng araw sa New Zealand ay maaaring magkaroon ng mataas na antas ng ultraviolet (UV) radiation. Ang UV radiation ay maaaring magdulot ng pinsala sa balat at mata.

Mapoprotektahan mo ang iyong sarili at ang iyong mga anak sa pamamagitan ng pagiging SunSmart. Alamin kung paano manatiling ligtas habang tinatamasa ang araw sa website ng SunSmart.

Ano ang dapat gawin sa panahon ng matinding init at heatwave

Sa mainit na panahon, manatili sa loob o sa lilim. Limitahan ang pisikal na aktibidad at uminom ng tubig.

May mga bagay na magagawa mo para manatiling presko sa bahay.

  • Buksan ang iyong mga bintana kung mahangin. Panatilihing nakababa ang iyong mga kurtina o blinds.
  • Maligo sa malamig na tubig.
  • Magsuot ng maluwag, manipis na damit.
  • Kung ang iyong tahanan ay hindi mahalumigmig, magsabit ng mga basang tuwalya upang palamigin ang hangin.

Kung hindi mo mapanatiling malamig ang iyong tahanan, pumunta sa pampublikong lugar na may air conditioning, gaya ng library o shopping mall.

Tingnan kung mayroon kang mga palatandaan ng pagkakalantad sa init:

  • Pamamantal dulot ng init
  • Pamumulikat dahil sa init
  • Sunburn
  • Pagkapagod dahil sa init
  • Heatstroke/sunstroke

Humingi ng agarang medikal na atensyon kung makakikita ka ng mga palatandaan ng heatstroke/sunstroke. May impormasyon ang St John sa pagtukoy at paggamot sa mga kondisyong nauugnay sa init.

Tingnan ang iyong mga kapitbahay at sinuman na maaaring mangailangan ng iyong tulong.
Manatiling may alam sa panahon ng matinding init. Makinig sa radyo o sundan sa online ang inyong Pangkat ng Pangangasiwa ng Emerhensiya ng Tanggulang Sibil. Sundin ang mga tagubilin ng tanggulang sibil at mga serbisyong pang-emerhensiya.

  • Ang mga alagang hayop at iba pang mga hayop ay nanganganib sa matinding init. Ang mga napakabata at matatandang hayop, at mga hayop na may maikling nguso, ay mas nanganganib.

    Karamihan sa mga hayop ay hindi pinapawisan. Umaasa sila sa paghingal, pagbasa ng sarili, lilim, malamig na lupa, at inuming tubig upang manatiling presko. Hindi maipaliwanag ng mga hayop ang kanilang mga pangangailangan, kaya ikaw ang bahalang alagaan sila sa panahon ng matinding init.

    • Tingnan nang madalas ang iyong mga hayop.
    • Tiyaking nasa loob o nasa lilim ang iyong mga hayop.
    • Magbigay ng maraming tubig para inumin at para maging presko. Maaaring kailanganin ng iyong mga hayop ang dalawang beses na mas maraming tubig kaysa karaniwan.
    • Kung makakita ka ng mga senyales ng heat stress, tawagan ang iyong beterinaryo. 
Ko e laini matutaki ki Fafo
Ministry for Primary Industries logo

Ang Ministri para sa Pangunahing mga Industriya (MPI) ay may payo para sa paghahanda ng plano para sa iyong mga hayop. Kinabibilangan ito ng mga tseklist para sa iba’t ibang uri ng hayop at iba’t ibang mga emerhensya. Pag-aralan ang mga tseklist para bumuo ng iyong plano.

Ko e laini matutaki ki Fafo
St John logo

Ang matinding init ay maaaring maging seryoso at magbanta sa buhay.

May payo sa paunang lunas ang St John sa pagtukoy at paggamot sa mga kondisyong nauugnay sa init.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Health New Zealand Te Whatu Ora logo

Ang matinding init ay maaaring magdulot ng sakit at kamatayan. Ngunit ang epektibong pagpaplano at pagkilos ay maaaring mabawasan ang mga epekto nito sa kalusugan.

Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga epekto ng matinding init sa kalusugan at kung paano gamutin ang mga ito sa website ng Health New Zealand.

Ko e laini matutaki ki Fafo
WorkSafe New Zealand logo

Ang pagtatrabaho sa matinding init ay maaaring mapanganib.

Maghanap ng higit pang impormasyon tungkol sa ligtas na pagtatrabaho sa matinding temperatura sa website ng WorkSafe.

Mga uri ng peligro

Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.