Mahalagang malaman ang iba’t ibang paraan upang ikaw ay manatiling may kaalaman sa oras ng emerhensya.

Radyo

Kung mamatay ang kuryente, ang isang solar o de-bateryang radyo (o radyo ng kotse) ay maaaring makatulong sa iyo na maging up to date sa pinakabagong mga balita. Sa isang emerhensya, makinig sa mga istasyong ito:

Makipag-ugnay sa inyong Civil Defence Emergency Management Group upang malaman ang mga lokal na istasyon na inirerekomenda nilang pakinggan mo sa oras ng emerhensya.

Emergency Mobile Alert

Ang Emergency Mobile Alert ay isang paraan ng pagtanggap ng impormasyon tungkol sa mga emerhensya sa inyong pook. Kung nanganganib ang iyong buhay, kalusugan o propyedad, ang mga Emergency Mobile Alert ay maaaring ipadala sa iyong mobile. Hindi mo kailangang mag-sign up o mag-download ng app.

Alamin ang tungkol sa Emergency Mobile Alert
A cartoon woman receiving Emergency Mobile Alert next to a dog floating

Online

Para sa mga lokal na update, tingnan ang website ng inyong council at social media. Pati na rin ang website ng inyong Civil Defence Emergency Management Group at social media.

Ang pambansang mga update ay makukuha sa website ng National Emergency Management Agency(external link)

Ko e laini matutaki ki Fafo
Twitter logo

Hanapin ang mga update sa emerhensya at sakuna mula sa National Emergency Management Agency. Para sa payo tungkol sa paghahanda para sa mga sakuna, sundan ang @NZGetReady Twitter channel.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Facebook logo

Humanap ng opisyal na pang-emerhensyang impormasyon at payo sa pagiging mas handa para sa mga sakuna sa New Zealand. Alamin at talakayin ang paghahanda para sa isang emerhensya, pagkaya sa oras ng pangyayari, at makapanumbalik sa dati nang mabilis.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Civil Defence logo

Alamin ang higit pa tungkol sa National Emergency Management Agency.

Alamin kung sino ang iyong mga kapitbahay

Makipagkilala sa iyong mga kapitbahay. Sa isang emerhensya, maaaaring matulungan ninyo ang isa’t isa habang ang civil defence at mga pang-emerhensyang serbisyo ay abalang tumutulong sa mga tao na higit na nangangailangan sa kanila. Makisangkot sa inyong komunidad at makipagkilala sa iyong mga kapitbahay bago mangyari ang isang emerhensya.

Ihanda ang iyong sambahayan

Nasa sa iyo upang tiyaking alam ng iyong pamilya (whānau) at ng mga taong iyong minamahal kung ano ang gagawin.