Maaaring mangyari ang mga emerhensya anumang oras, kabilang ang sa oras ng trabaho. Hindi mo mahuhulaan kung kailan mangyayari ang mga ito, ngunit maaari kang gumawa ng mga aksyon upang gawing mas handa ang iyong negosyo.
Alamin kung ano ang mga panganib at paano makakaapekto ang mga ito sa iyong negosyo. Ang mga panganib ay kinabibilangan ng mga likas na peligro, pangkalusugang emerhensya at di paggana ng mga utility.
Kung ikaw ay may mga kawani, makipag-usap sa kanila tungkol sa mga panganib na sa palagay nila ay mas nauugnay sa iyong negosyo.
Ang pagpapanatiling malusog at ligtas ng lahat sa trabaho ay hindi nangangahulugan ng pagbili ng mga mamahaling kagamitan at paggawa ng maraming mga dokumento. Ito ay nangangahulugan ng paggawa ng aktibong pamamaraan at pagsangkot ng lahat sa trabaho.
May obligasyon ang mga negosyo na maging handa sa isang emerhensya. Sa karamihan sa mga kaso, hindi natin mahuhulaan kung kailan mangyayari ang isang emerhensya. Ngunit maaari tayong magplano upang matiyak na ang ating mga kawani ay ligtas, ang ating mga pagkalugi na pinansyal at personal ay mababa at makakabalik tayo sa negosyo sa lalong madaling panahon.
Dapat isali sa iyong plano ang mga sumusunod:
Kausapin ang iyong mga kawani na may kapansanan. Alamin ang suportang maaaring kailangan nila kung may emerhensya. Isipin din kung paano ka maaaring makatulong sa sinumang mga bisita na may kapansanan.
Gamitin ang gabay na ito kung ano ang isasali sa iyong pang-emerhensyang pagpaplano mula sa business.govt.nz.
Nakakatakot manatili sa loob ng isang gusali pagkatapos ng lindol, ngunit mas ligtas ito kaysa pumunta sa labas.
Kung ikaw ay lilikas sa huli, dalhin ang iyong pitaka, coat, bag at grab bag. Mas mahihirapan ka kung maiiwanan mo ang mga bagay na ito. Ang mga bukas na lugar na walang matataas na mga gusali o kalapit na mga poste ng kuryente ang pinakamainam na lugar para sa pag-iipon-ipon sa paglikas.
Bilang tagapag-empleyo, ikaw ay may katungkulan ng pangangalaga (duty of care) sa iyong mga kawani, kabilang ang pangangalaga sa kanila sa oras at pagkatapos ng mga emerhensya.
Magsimula sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga panganib at paggawa ng pang-emerhensyang plano. Makipag-usap sa kanila kung ano ang maaaring kailanganin nila at ng kanilang pamilya upang makaraos sa isang emerhensya.
Tiyaking ang iyong mga kawani ay may personal na pang-emerhensyang plano para sa lugar ng trabaho upang malaman nila kung sino ang kokontakin sa trabaho sa isang emerhensya at magkaroon ng plano upang ligtas na makauwi.
Humanap ng payo sa wikang Ingles para sa pangangalaga ng mga kawani pagkatapos ng isang emerhensya.
Hilingan ang mga kawani na punan ang isang personal na pang-emerhensyang plano para sa lugar ng trabaho para sa isang emerhensya sa oras ng trabaho.
Sa isang emerhensya, ang iyong mga kawani ay maaaring ma-istak sa trabaho o hindi makakuha ng masasakyan pauwi nang isang araw o mahigit pa.
Tiyaking mayroon kang sapat na suplay para sa lahat sa sityo para sa tatlong araw. Dapat kabilang din ang para sa mga bisita.
Maaaring kailangan mo ng mga dust mask (mask para sa alikabok) (may gradong P2 o N95), pantrabahong guwantes, hard hat o kagamitang gaya ng wrecking bar (baras na pangwasak) at sledge hammer (malaking martilyo).
Kailangan mo ng pagkain at tubig (mga tatlong litro kada tao) para sa tatlong araw o mahigit pa, mga bagay na pangkalinisan (sanitary items), atbp.
Hikayatin ang mga kawani na maglagay ng mga suplay sa kanilang pantrabahong grab bag sakaling kailangan nilang maglakad pauwi o papunta sa kanilang lugar ng pagkikita-kita. Tiyaking mayroon silang mga pang-sambahayang plano para sa kanilang mga pamilya.
Maaaring kailangan mong mangalaga para sa mga tao na may malulubhang pinsala hanggang sa dumating ang tulong. Tiyaking mayroon kang mga blangket, stretcher, kumpletong first aid kit, atbp.
Sumangkot sa inyong lokal na komunidad ng negosyo. Kilalanin ang inyong lokal na Chamber of Commerce, mga samahang pang-industriya, kalapit-negosyo, kakumpitensya at tagasuplay. Makipag-usap sa kanila tungkol sa kanilang mga pang-emerhensyang plano at pagpapatuloy ng negosyo. Sa isang emerhensya, kayo ay maaaring makatulong sa isa’t isa na makabangon at mas mabilis na makapagpatakbo ng negosyo.
Bumuo ng plano sakaling may mangyari para sa iyong buong negosyo. Dapat kasali dito ang mga kawani, impormasyon, ari-arian, kostumer, tagasuplay at mga daanan ng distribusyon.
Sundin ang Shut happens na listahan ng gagawin sa Ingles upang lumikha ng mga plano kung may mangyari sa iyong negosyo.
Ang pagpaplano para sa pagpapatuloy at sa maaaring mangyari ay ang pagiging handa para sa lahat ng klase ng pagkagambala. Gamitin ang sunud-sunod na gabay upang maayos ang iyong plano mula sa business.govt.nz. Mahalaga ito sa pagpapatuloy ng iyong negosyo.
Ang mga rural na komunidad, negosyo at indibidwal ay kailangang bumagay at kumaya sa mga emerhensya.。
Ang iyong mga hayop ay iyong responsibilidad. Kailangang isali mo sila sa iyong pang-emerhensyang pagpaplano at paghahanda. Ang hindi paggawa ng plano para sa kanila ay naglalagay ng mga buhay sa panganib.
Ang Ministri para sa Pangunahing mga Industriya (MPI) ay may payo para sa paghahanda ng plano para sa iyong mga hayop. Kinabibilangan ito ng mga tseklist para sa iba’t ibang uri ng hayop at iba’t ibang mga emerhensya. Pag-aralan ang mga tseklist para bumuo ng iyong plano.
May ilang madaling mga hakbang na iyong magagawa upang tiyaking ikaw at ang iyong pamilya ay handa na upang makaligtas.