Tulungan ang iyong mga kaibigan, kapamilya at komunidad na maghanda para sa mga emerhensya.
Kapag nakipagkilala ka sa iyong mga kapitbahay, mas malamang na kayo ay mangangalaga sa isa’t isa, lalo na sa oras at pagkatapos ng isang emerhensya, gaya ng isang bagyo o malaking lindol.
Magbigayan ng mga detalye ng contact para makapag-ugnayan kayo sa isang emerhensya.
Sabihin mo sa kanila ang iyong pang-emerhensyang plano at tanungin sila tungkol sa kanilang mga plano.
Alamin kung sino ang makakatulong sa iyo at kung sino ang maaaring mangailangan ng iyong tulong.
Sumali o bumuo ng isang Neighbourhood Support Group. Ikaw at ang iyong mga kapitbahay ay maaaring magbahagi ng mga kasanayan at mapagkukunan upang tulungan kayong makaraos sa isang emerhensya.
Ang mga Neighbourhood Support Group ay nakakapagsama-sama ng mga tao upang lumikha ng ligtas, masuporta at magkaugnay na mga komunidad.
Sumali sa isang Neighbourhood Support Group sa website ng Neighbourhood Support o tumawag sa 0800 463 444.
Sumali sa isang Community Patrol. Makilahok sa mga community patrol at tulungang gawing mas ligtas ang inyong komunidad.
Ang mga Community patrol ay nakikipagtulungan sa New Zealand Police, mga lokal na konseho at sa kanilang komunidad. Kabilang ang kapag may pang-emerhensyang pangyayari.
Ang mga lokal na volunteer ang nag-oorganisa at namamahala sa mga Community Patrol. Tutugunan ng mga Community Patrol ang mga pangangailangan ng kanilang komunidad at nakikipagtulungan sa New Zealand Police at mga lokal na konseho.
Sumali sa Community Patrol o magsimula ng isa sa inyong komunidad.
Ang Neighbours’ Day Aotearoa ay ginaganap tuwing Marso. Hinihikayat nito ang mga magkakapitbahay na makilala ang isa’t isa. Hindi mahalaga kung ikaw ay isang indibidwal, grupo o organisasyon. O kung ang inyong pook ay binubuo ng mga bahay, flat, negosyo o iba pa sa kabuuan. Maaari kang mag-anyaya sa isang kaganapang ibinagay nang sadya sa inyong pook.
Magkaroon ng Neighbour’s Day. Ang Neighbour’s Day ay ginaganap tuwing Marso. Hinihikayat nito ang mga magkakapitbahay na makilala ang isa’t isa. Hindi mahalaga kung ikaw ay isang indibidwal, grupo o organisasyon. O kung ang inyong pook ay binubuo ng mga bahay, flat, negosyo o iba pa sa kabuuan. Maaari kang mag-anyaya sa isang kaganapang ibinagay nang sadya sa inyong pook.
Ang pang-emerhensyang plano para sa komunidad ay tutulong sa inyong komunidad na maunawaan kung paano ninyo matutulungan ang isa’t isa sa isang emerhensya. Ang pakikipag-usap sa ibang tao sa inyong komunidad ay isa sa pinakamagaling na mga paraan upang maghanda para sa mga emerhensya.
May ilan nang mga grupo ng tao o network sa inyong komunidad. Maaaring ang mga ito ay:
Makipag-ugnay sa kanila at alamin kung ano ang kanilang ginagawa. Sa isang emerhensya, maaari silang makatulong sa mga batayang suplay at pagkoordina ng suporta.
Kontakin ang inyong Civil Defence Emergency Management Group upang alamin kung may pang-emerhensyang plano para sa komunidad sa inyong pook. Maaari silang makipagtulungan sa iyo upang tukuyin ang mga lakas, mapagkukunan, panganib at solusyon upang tulungan ang inyong komunidad na makaraos sa emerhensya.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Tulungang panatilihing ligtas ang iyong pamilya, mga kaibigan at komunidad sa pamamagitan ng pakikisangkot sa kahandaan sa emerhensya.