Maraming iba’t ibang mga peligro sa New Zealand. Alamin ang iba pang mga peligro at sino ang namamahala sa mga ito.

Sino ang namamahala sa iba pang mga peligro?

Iba’t ibang mga ahensya ang nagtutulungan upang mamahala ng mga emerhensya at panatilihing ligtas ang mga tao. Ang ahensyang namumuno sa pagtugon ay magdedepende sa uri ng peligro o emerhensya.

Ilang mga emerhensya ang nangangailangan ng karagdagang koordinasyon ng mga serbisyo. Sa kasong ito, maaaring magdeklara ng isang pang-estado, pang-lokal o pambansang emerhensya.

Pandemya

Ang isang pandemya ay nangyayari kapag ang isang virus ay kumalat nang mabilis at umapekto sa isang bansa o sa maraming bansa sa buong mundo. Kapag nangyari ito, marami sa atin ang maaaring magkasakit nang malubha.

Ang Ministri ng Kalusugan ang punong ahensya para sa pagpaplano at pagtugon sa mga pandemya sa New Zealand.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Ministry of Health logo

Humanap ng impormasyon tungkol sa mga pandemya sa website ng Ministri ng Kalusugan.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Health New Zealand Te Whatu Ora logo

Humanap ng pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 sa website ng Te Whatu Ora.

Sunog

Kung makakita ka ng usok o apoy at naniniwalang may panganib sa mga tao o propyedad, tumawag kaagad sa 111 at hilingin ang ‘Sunog’ (Fire).

Ang mga sunog ay maaaring masimulan ng mga tao. Halimbawa, mga apoy ng campfire na kumalat, paputok o sinisigaang sukal, siga o paghawan sa rural na pook pamamagitan ng pagsunog (burn-off) na nawalan ng kontrol. Mga aksidente sa kotse, pagsiklab (arcing) o natumbang mga poste ng kuryente ay karaniwang mga sanhi ng sunog. Pati na rin ang mga tilamsik ng apoy mula sa mga lawnmower o upos ng sigarilyo.

Ang Fire and Emergency New Zealand ang may responsibilidad sa paghadlang sa sunog, pagtugon at pagpigil.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Fire and Emergency New Zealand logo

Humanap ng impormasyon tungkol sa kaligtasan sa sunog sa website ng Fire and Emergency New Zealand.

Tagtuyot

Kung ang inyong pook ay dumaranas ng tagtuyot (drought), maaari mong kontakin ang inyong lokal na council para sa karagdagang impormasyon.

Ang tagtuyot ay sanhi ng kakulangan sa tubig sa isang pook at maaaring umapekto sa paggamit ng tubig at nagpapalaki sa panganib ng sunog.

Ang Ministri ng Pangunahing mga Industriya ang may responsibilidad para sa pag-uuri ng tagtuyot.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Ministry for Primary Industries logo

Humanap ng impormasyon at mga mapagkukunan tungkol sa tagtuyot (drought) sa website ng Ministri para sa Pangunahing mga Industriya.

Mga kriminal na aktibidad at terorismo

Laging tumawag sa 111 kung may malubhang panganib sa buhay o propyedad.

Ang New Zealand ay isang ligtas na lugar kung ikukumpara, ngunit hindi tayo libre sa krimen. Mahalagang ikaw ay mag-ingat upang pangalagaan ang iyong sarili.

Tumutulong ang New Zealand Police sa iba’t ibang mga sitwasyon ng emerhensyang pamamahala at pambansang seguridad. Sila ay responsable para sa pagpapatupad ng batas at paghadlang sa krimen. Tumutulong din sila sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.

Tumawag sa 105 upang magsumbong ng mga bagay na nangyari na at hindi kailangan ng agarang tulong ng Pulisya.

Ko e laini matutaki ki Fafo
New Zealand Police logo

Humanap ng impormasyon tungkol sa mga kilos na kriminal at terorismo sa website ng New Zealand Police.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Escape Hide Tell logo

Humanap ng impormasyon kung paano makikilala at isusumbong sa website ng New Zealand Police ang kahina-hinalang pag-aasal. Alamin ang gagawin sa pangyayaring ikaw ay masangkot sa isang terorismong pag-atake o isang katulad na insidente.

Mga salot at sakit ng mga hayop at halaman

Ang Ministri para sa Pangunahing mga Industriya ang namumuno sa sistema ng biosecurity ng New Zealand. Kabilang dito ang mga pagtugon sa biglang paglitaw ng mga salot at sakit ng mga hayop at halaman.

Ang Ministri para sa Pangunahing mga Industriya ang namumuno rin sa sistema ng kaligtasan ng pagkain sa New Zealand. Pinoprotektahan nito ang kalusugan at kagalingan ng mga konsyumer dito at sa ibang bansa.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Ministry for Primary Industries logo

Alamin ang higit pa tungkol sa sistema ng biosecurity sa New Zealand sa website ng Ministri para sa Pangunahing mga Industriya.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Ministry for Primary Industries logo

Alamin ang higit pa tungkol sa kaligtasan ng pagkain sa New Zealand sa website ng Ministri para sa Pangunahing mga Industriya.

Mga sangkap na peligroso

Ang sangkap na peligroso ay nangangahulugang anumang produkto o kemikal na may mga katangian na maaaring sumabog (explosive), masunog (flammable), humalo sa oksiheno (oxidising), makaagnas ng mga bagay (corrosive), o makalason (toxic) sa kapaligiran.

Ang Fire and Emergency New Zealand ang punong ahensya para sa mga emerhensya sa peligrosong mga sangkap.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Fire and Emergency New Zealand logo

Alamin ang higit pa tungkol sa peligrosong mga sangkap sa website ng Fire and Emergency New Zealand.

Ko e laini matutaki ki Fafo
WorkSafe New Zealand logo

Humanap ng impormasyon at patnubay tungkol sa pagtatrabaho gamit ang peligrosong mga sangkap sa website ng WorkSafe.

Mga uri ng peligro

Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.