Sa New Zealand, 98% ng mga wildfire (di-makontrol na pagkasunog ng mga bush o gubat) ay gawa ng mga tao. Maaaring mangyari ang mga ito sa anumang oras, kaya ang iyong mga aksyon ay gagawa ng lahat ng pagbabago. Alamin kung ano ang dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng mga wildfire.
Ang Ministry for Ethnic Communities at ang National Emergency Management Agency ay nagtulungan upang lumikha ng seryeng ito ng mga video, para alam ng komunidad ang dapat gawin upang maghanda para sa iba't ibang mga sakuna at emerhensya, at paano tutugon kung mangyari ang mga ito.
Ipapaliwanag sa video na ito ang dapat gawin kung may sunog.
Hindi mo kailangang tumira sa isang rural na lugar para manganib sa wildfire. Kung may mga halamang kalapit at may taong maaaring magsindi ng apoy, mayroong panganib ng wildfire.
Huwag hintaying magkaroon ng usok sa hangin bago maghanda. Tumulong na protektahan ang iyong propyedad laban sa wildfire.
Bisitahin ang checkitsalright.nz(external link) upang alamin ang praktikal na mga hakbang na maaari mong gawin upang bawasan ang panganib ng wildfire.
Panatilihing maikli at berde ang iyong damo, hangga't maaari, sa paligid ng mga gusali sa iyong propyedad.
Panatilihing walang mga tuyong dahon, kalat at pinong dahon ng pine tree ang mga alulod (gutter) at mga lugar sa paligid ng mga deck.
Alisin ang mga halaman na madaling magningas sa kalapit ng mga gusali sa iyong propyedad. Kabilang dito ang hindi paggamit ng bark mulch o katulad na mga panakip sa lupa.
Magtanim ng mga halamang hindi madaling masunog.
Kung mayroon kang RAPID na numero, tiyaking madali itong makita sa pasukan ng iyong propyedad. Ang iyong daanan ay dapat may sapat na luwang para sa isang fire engine (4m ang lapad at 4m ang taas).
Alamin kung paano poprotektahan ang iyong bahay laban sa mga sunog sa labas sa website ng Fire and Emergency.
Ang kadaliang masunog ng mga halaman ay nakakaapekto sa tindi ng apoy. Ito ay may malaking impluwensya sa pagkontrol ng sunog at sa tsansa na masira o mapinsala ng apoy ang mga bahay. Alamin kung anong mga halaman ang may mababa o mataas na kadaliang masunog sa website ng Fire and Emergency New Zealand.
Palaging suriin kung ligtas magsindi ng apoy at kung kailangan mo ng fire permit sa checkitsalright.nz(external link).
Magsanay na maging ligtas sa sunog kapag gumagawa ng anumang bagay na maaaring magsindi ng apoy.
Planuhin ang iyong ruta ng pagtakas. Kapag nagpaplano ng iyong ruta, hindi mo palaging malalaman kung saang direksyon nanggagaling ang apoy. Mahalagang magkaroon ng mahigit sa isang malalabasan.
Tukuyin ang isang ligtas na lugar na walang mga halaman kung sakaling hindi ka makalikas at kailangang may masilungang lugar. Maaaring kailanganin mong sumilong sa isang lugar sa iyong propyedad o sa inyong komunidad. Ang isang ligtas na sona (safe zone) ay maaaring isang lugar na mayroong:
Alamin kung anong mga supply ang maaari mong kailanganin at gumawa ng plano kasama ng iyong whānau. Tiyaking isasama mo ang iyong mga hayop sa iyong plano.
Alamin kung paano ka mananatiling may kaalaman. Sisikapin lagi ng mga serbisyong pang-emerhensiya na balaan ka kung may paparating na wildfire. Ngunit maaaring walang sapat na oras para maglabas ng opisyal na babala. Magkaroon ng kamalayan sa mga nangyayari sa inyong lugar.
Lalo na kung may nakikita o naaamoy kang usok sa araw na mainit o mahangin, dahil ang apoy ay maaaring kumilos nang napakabilis.
Sa isang emerhensya, ikaw ay maaaring ma-istak sa bahay nang tatlong araw o mahigit pa. Ang iyong bahay ay puno na ng pang-emerhensyang mga bagay na kunwari ay mga pang-araw-araw na mga bagay. Alamin kung anong mga suplay ang iyong kailangan at magplano upang makaraos.
Ang iyong mga hayop ay iyong responsibilidad. Kailangang isali mo sila sa iyong pang-emerhensyang pagpaplano at paghahanda.
Kung may pagdududa, lumikas ka!
Mabilis kumalat ang mga wildfire. Kung nakakakita ka ng usok o apoy mula sa isang wildfire at pakiramdam mo ay hindi ka ligtas, huwag maghintay ng opisyal na babala bago umalis. Lumikas kaagad. Tumawag sa 111 kung ang iyong buhay o propyedad ay nanganganib, o hindi ka makalikas nang mag-isa.
Kung mayroon kang oras bago lumikas:
Kung may oras, maaari mo ring:
Manatiling may kaalaman. Makinig sa radyo o sundan sa online ang Civil Defence Emergency Management Group.
Huwag magpalipad ng mga drone sa paligid ng apoy. Nakakaapekto ang mga drone sa mga operasyon para labanan ang sunog mula sa himpapawid.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Bumalik lamang sa bahay kung sasabihin sa iyo na ligtas nang gawin ito. Mag-ingat sa mga bumbero na nagtatrabaho pa rin sa lugar.
Maaaring sarado pa rin ang ilang kalsada dahil sa:
Manatiling may kaalaman dahil ang sitwasyon ay maaaring mabilis na magbago at lumalang muli. Makinig sa radyo o sundan sa online ang Civil Defence Emergency Management Group.
Mag-ingat sa mga nasunog na puno, maiinit na baga sa lupa at mga natumbang linya ng kuryente.
Tratuhing mapanganib ang lahat ng nasirang puno. Huwag lumakad sa ilalim ng mga ito hangga't hindi pa nasusuri ng isang arborist.
Tratuhing buhay (live) ang anumang mga nalaglag na linya ng kuryente hangga't hindi pa nakumpirma ng awtoridad na hindi na live ang mga ito.
Kumuha ng propesyonal na payo tungkol sa pagpapahangin at paglilinis kung ang iyong bahay o mga gamit ay amoy usok. Pagkatapos ng isang wildfire, karaniwang mananatili ang amoy ng usok o mausok na ulap sa loob ng ilang araw.
Kapag naglilinis, magsuot ng:
Makipag-ugnayan sa environmental health officer ng inyong lokal na konseho para sa payo bago gamitin ang:
Hindi inaalis ng kumukulong tubig ang mga fire retardant o iba pang kemikal sa inyong tubig.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.