Ang iyong mga hayop ay iyong responsibilidad. Kailangang isali mo sila sa iyong pang-emerhensyang pagpaplano at paghahanda.

  • Mag-imbak ng sapat na pagkain, tubig at mga suplay para sa iyong mga hayop para sa tatlong araw o mahigit pa. Tandaang ang mga hayop kadalasan ay iinom ng mas maraming tubig kaysa karaniwan kapag nai-stress.
  • Tiyaking pinalagyan mo ng microchip ang iyong mga alagang hayop. Irehistro sila sa New Zealand Companion Animal Register (NZCAR). Panatilihing up to date ang mga ito at isali ang mga detalye para sa contact na nasa labas ng rehiyon.
  • Repasuhin ang iyong polisiya ng seguro para sa alagang hayop upang malaman kung sumasaklaw ito sa mga emerhensya.
  • Kung kailangan mong lumikas, dalhin ang iyong mga alagang hayop. Kung hindi ito ligtas para sa iyo, hindi ito ligtas para sa kanila. Tiyaking ang lugar na paglilikasan mo ay tatangapin ang iyong mga alagang hayop. O magkaroon ng mga detalye ng contact para sa mga kennel, cattery at mga motel na tumatanggap ng alagang hayop.
Ko e laini matutaki ki Fafo
Ministry for Primary Industries logo

Ang Ministri para sa Pangunahing mga Industriya (MPI) ay may payo para sa paghahanda ng plano para sa iyong mga hayop. Kinabibilangan ito ng mga tseklist para sa iba’t ibang uri ng hayop at iba’t ibang mga emerhensya. Pag-aralan ang mga tseklist para bumuo ng iyong plano.

Ibagay ang iyong plano

Kapag gumagawa ka ng plano para sa sambahayan, tiyaking isali ang lahat. Isipin ang mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan, matatanda, bata, alagang hayop at iba pang hayop.