Kailangan ng mga sanggol at maliliit na bata ng natatanging pangangalaga at atensyon sa isang emerhensya. Alamin ang iyong magagawa upang mapangalagaan sila.
Mas nanganganib ang mga sanggol na ma-dehydrate (mawalan ng tubig sa katawan) o magkaroon ng impeksyon. Kailangan nila ng natatanging pangangalaga at atensyon sa isang emerhensya.
Sa isang emerhensya, maaaring sarado ang mga daan at tindahan nang tatlong araw o mahigit pa. Kailangan mo ng mga suplay para mairaos ang iyong sanggol.
Kung ang iyong sanggol ay madalas namamalaging kasama ng pamilya o mga tagapag-alaga, magkaroon din ng mga suplay sa kanilang bahay pati rin sa iyong bahay.
Sa oras ng emerhensya ang karaniwang pang-araw-araw na pamumuhay ay napuputol at maaaring kailangang umalis sa kanilang mga bahay ang mga tao. Ito ay maaaring maging lalong mahirap para sa mga ina at taong nag-aalaga ng mga sanggol.
Ang Health New Zealand ay may payo tungkol sa pagpapasuso ng iyong sanggol sa isang emerhensya para sa mga sanggol na sumususo sa ina at sa bote.
Maaari mong isali ang mga maliliit na bata sa pagpaplano para sa emerhensya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maliliit na gawain. Halimbawa, patingnan mo sa kanila ang petsa sa iyong inimbak na tubig o tingnan kung gumagana ang flashlight.
Kausapin sila nang matapat, ngunit hindi nakakatakot, tungkol sa:
Tutulong itong bawasan ang takot at pagkabalisa at tinutulungan ang lahat kung paano kikilos.
Kung mas kasangkot sila, hindi sila masyadong matatakot kapag nangyari nga ang emerhensya.
Tiyaking mayroon kang mga suplay sa grab bag para sa mga maliliit na bata sakaling kailangan mong umalis ng bahay nang madalian. Ang grab bag ay dapat may laman na makakapal na damit, tubig at kakaning tsitsirya, at paboritong laruan o laro para pagkaabalahan nila.
Ang mga bata ay may sarili nilang paraan ng pagkaya sa trauma ayon sa yugto ng kanilang pag-unlad. Ang Ministri ng Kalusugan ay may mga patnubay tungkol sa pagtulong sa mga bata na kumaya sa trauma.
Kapag gumagawa ka ng plano para sa sambahayan, tiyaking isali ang lahat. Isipin ang mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan, matatanda, bata, alagang hayop at iba pang hayop.