Magboluntaryong tulungan ang iyong mga kaibigan, kapamilya at komunidad bago, sa oras at pagkatapos ng mga emerhensya.

Magboluntaryo sa pamamahala ng emerhensya

Ang National Emergency Management Agency ay kasalukuyang kumikilos sa pagbuo ng matatag at maipagpapatuloy na kakayahan at kapasidad ng mga boluntaryo para sa pamamahala ng emerhensya sa New Zealand.

Karamihan sa mga komunidad ay may Civil Defence Centre o hub para sa komunidad. Ang mga naninirahan doon ay maaaring magkita-kita sa Centre sa oras at pagkatapos ng emerhensya upang suportahan ang isa’t isa.

Sa isang emerhensya, ang mga sentrong pang-emerhensya ay magbubukas at patatakbuhin ng mga komunidad upang magkasama-sama ang mga tao para tulungan ang kanilang komunidad habang at pagkatapos ng emerhensya.

Kontakin ang inyong Civil Defence Emergency Management Group upang alamin kung paano ka maaaring magboluntaryo.

Mga New Zealand Response Team (NZ-RT)

Ang mga NZ-RT ay mga pangkat ng kwalipikadong mga tagatugon sa emerhensya. Sinusuportahan nila ang mga Civil Defence Emergency Management Group at ang kanilang mga komunidad sa oras ng emerhensya. Nakikipagtulungan ang mga NZ-RT sa mga serbisyong pang-emerhensya. Mayroong mga pangkat sa buong New Zealand.

Gumagawa ng iba't ibang gawain ang mga NZ-RT sa isang emerhensya, kabilang ang:

  • pagsuporta sa mga serbisyong pang-emerhensya
  • pagtulong sa mga paglikas
  • pamamahala ng mga Civil Defence Centre
  • pagtatrabaho sa mga Civil Defence Emergency Management Group upang mag-koordina ng pang-emerhensyang pagtugon.
Ko e laini matutaki ki Fafo
Civil Defence New Zealand Response Team logo

Alamin ang tungkol sa mga New Zealand Response Team at kung saan sila nakabase sa New Zealand.

Pagbuo ng matatag at maipagpapatuloy na kakayahan at kapasidad ng mga boluntaryo

Ang National Emergency Management Agency ay kasalukuyang kumikilos sa pagbuo ng matatag at maipagpapatuloy na kakayahan at kapasidad ng mga boluntaryo para sa pamamahala ng emerhensya sa New Zealand. Ang National Emergency Management Agency, kaagapay ng Fire Emergency New Zealand, New Zealand Police, New Zealand Search and Rescue at ang Ministri ng Kalusugan ay nakatuon sa paggawa ng isang modelo na akma sa layunin at sapat na pleksible upang matugunan sa hinaharap ang mga hamon sa pagtugon at pagpanumbalik sa dati.

New Zealand Search and Rescue (Paghahanap at Pagligtas ng New Zealand)

Maraming iba't ibang organisasyon ang nagbibigay ng mga serbisyong paghahanap at pagligtas sa New Zealand. Ang Land Search & Rescue, Coastguard New Zealand, Amateur Radio Emergency Communications, at Surf Life Saving New Zealand ay magkakasamang nagtutulungan upang humanap ng mga taong nawawala, hindi matagpuan at nasugatan.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Land Search and Rescue New Zealand Rapa Taiwhenua logo

Ang Land Search and Rescue (LandSAR) ay isang pambansang organisasyon ng mga volunteer. Nagbibigay ito ng tulong na paghahanap at pagligtas sa mga taong nawawala, hindi matagpuan at nasugatan sa buong New Zealand.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Coastguard logo

Ang Coastguard New Zealand ay nagbibigay ng tulong na paghahanap at pagligtas sa mga tao na nasa karagatan. Nagbibigay sila ng mga programang pang-edukasyon at mga inisyatibang pangkomunidad tungkol sa kaligtasan sa katubigan.

Ko e laini matutaki ki Fafo
AREC logo

Ang Amateur Radio Emergency Communications (AREC) ay grupo ng mga volunteer na gumagamit ng pandalubhasang mga kasanayan sa komunikasyon at teknikal upang suportahan ang paghahanap at pagligtas sa New Zealand.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Surf Life Saving New Zealand logo

Ang Surf Life Saving New Zealand ay nagbibigay ng mga serbisyong lifeguard at emerhensyang pagliligtas. Nag-aalok din sila ng mga programang pangkaligtasan sa mga pampublikong dalampasigan.

Fire and Emergency New Zealand (Sunog at Emerhensya ng New Zealand)

Ang Fire and Emergency New Zealand ay may responsibilidad sa paghadlang, pagtugon at pagpigil sa sunog.

Mag-volunteer sa Fire and Emergency New Zealand upang tulungan ang mga komunidad na hadlangan, maghanda, tumugon at makabangong muli mula sa mga emerhensya.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Fire and Emergency New Zealand logo

Mag-volunteer sa Fire and Emergency New Zealand. Ang Fire and Emergency New Zealand ay may responsibilidad sa paghadlang, pagtugon at pagpigil sa sunog.

Volunteering New Zealand

Ang Volunteering New Zealand (VNZ) ay isang samahan ng boluntaryong mga sentro at pambansang organisasyon at iba pa na nakatuon sa pagboluntaryo.

Maiuugnay ka ng VNZ sa ilang mga oportunidad sa pagboboluntaryo.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Volunteering New Zealand logo

Magboluntaryo sa inyong komunidad. Ang Volunteering New Zealand ay isang samahan ng mga sentro ng pagboboluntaryo at pambansang organisasyon na nakatuon sa pagboboluntaryo.

Makisangkot

Tulungang panatilihing ligtas ang iyong pamilya, mga kaibigan at komunidad sa pamamagitan ng pakikisangkot sa kahandaan sa emerhensya.