Alamin ang tungkol sa Emergency Mobile Alert. Ang mga Emergency Mobile Alert ay pinapanatiling ligtas ang mga tao. Ang mga alert ay ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone (may kakayahang telepono) mula sa tinarget na mga cell tower.

People stopping their wedding, vacumming and playing with their dog to check their phones for an Alert. Text reads Emergency Mobile Alert Nationwide Test

Mga pambuong bansang pagsusuri

Tine-testing namin ang sistema ng Emergency Mobile Alert bawat taon. Ito ay mahalagang bahagi ng pagtiyak na ang sistema ay gumagana nang maayos.

Alamin ang higit pa tungkol sa mga nationwide test ng Emergency Mobile Alert
A series of progressively modern phones with large exclamation marks on their screens

May kakayahang mga telepono at troubleshooting

Upang makatanggap ng mga Emergency Mobile Alert, kailangang may telepono kang may kakayahang tumanggap ng mga ito. Kailangan ding ang telepono ay may cell reception at up-to-date na software. Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo.
Inaasahan namin na ang karamihan sa mga teleponong binili pagkatapos ng 2017 ay makakatanggap ng mga Emergency Mobile Alert.

Maghanap ng karagdagang payo sa basic troubleshooting

Tungkol sa Emergency Mobile Alert

Ang mga Emergency Mobile Alert ay mga mensahe tungkol sa mga emerhensya. Ipapadala ang mga ito ng mga awtorisadong pang-emerhensyang ahensya sa mga mobile phone.

Ang mga Emergency Mobile Alert ay pinapanatiling ligtas ang mga tao. Ang mga ito ay ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone (may kakayahang telepono) mula sa tinarget na mga cell tower patungo sa mga lugar na apektado ng mga malalang panganib. Maaaring hindi ka makatanggap ng alert kung:

  • wala ka sa saklaw ng mobile
  • nasira ang mga tower ng mobile phone, o 
  • walang kuryente.

Ang aming survey sa paghahanda sa emerhensya noong 2022 ay nagpakita na mahigit sa 88% ng mga tao sa New Zealand ay nakatanggap ng test o kasama ang isang taong tumanggap ng test. Sa isang emerhensya, kung makakatanggap ka ng alert, siguraduhing ipaalam mo sa mga tao sa paligid mo.

Ang Emergency Mobile Alert ay karagdagang paraan upang panatilihin kang ligtas kung may emerhensya. Hindi nito pinapalitan ang iba pang mga alerting system o ang pangangailangang gumawa ng aksyon makaraan ang mga likas na babala.

Ikaw ay dapat ring maging handa para sa isang emerhensya, at hindi mo dapat hintaying tumanggap ng babala bago ka kumilos. Kung sa palagay mo ay nasa panganib ang iyong buhay, huwag maghintay ng opisyal na babala. Kumilos kaagad.

  • Ang mga alert ay ipadadala lamang kapag may malubhang mga banta sa buhay, kalusugan o propyedad. At, sa ilang mga kaso, para sa mga layunin ng pag-test. Halimbawa, maaaring gamitin ang Emergency Mobile Alert upang balaan ka ng mga malubhang banta gaya ng:

    • isang tsunami na aapekto sa mga bahaging lupain
    • isang napakalaking sunog na aapekto sa mga tao
    • mga armadong kriminal (armed offenders) na nakawala, o
    • inuming tubig na malubhang nakontaminahan.

    Ang mga Emergency Mobile Alert ay hindi gagamitin para sa mga pag-aanunsiyo o promosyon.

  • Ang mga awtorisadong ahensya lamang ang maaaring magpadala ng mga Emergency Mobile Alert. Ang mga ahensya ay magpapadala lamang ng mga alert kapag may malubhang banta sa buhay, kalusugan o propyedad. Ang mga ahensya ay maaari ring magpadala ng naka-iskedyul na pagsusuri ng mga alert.

    Ang tanging mga ahensyang awtorisado sa kasalukuyan upang mag-isyu ng mga alert ay ang:

    • New Zealand Police
    • Fire and Emergency New Zealand (Sunog at Emerhensya ng New Zealand)
    • Ministri ng Kalusugan
    • Ministri para sa Pangunahing mga Industriya
    • National Emergency Management Agency (Pambansang Ahensya sa Pamamahala ng Emerhensya)
    • Lokal na mga Civil Defence Emergency Management Group.

    Tutukuyin ng mensaheng alert ang ahensyang nagpapadala ng Emergency Mobile Alert.

  • Dahil ang Emergency Mobile Alert ay tungkol sa pagpapanatili sa iyong ligtas, hindi ka makakapag-opt out (makakaurong) dito.

    Hindi namin tinatarget ang mga partikular na telepono, sa halip, kami ay nagbobrodkast sa isang tinarget na pook na nasa panganib. Dahil dito, hindi namin maaaring ipuwera ang iyong partikular na telepono. Hindi ginagamit ng Emergency Mobile Alert ang iyong mobile phone number o nangangalap ng impormasyon tungkol sa iyo.

    Maaaring magpakita ang iyong telepono ng mga opsyonal na setting na ginagamit sa ibang mga bansa. Ngunit sa New Zealand gagamit kami ng espesyal na channel ng brodkast na palaging naka-on.

    Kung ayaw mong makakuha ng pag-test sa Emergency Mobile Alert, kailangan mong i-off ang iyong telepono o ilagay ito sa flight mode.

Ko e Tau Talahauaga
Emergency Mobile Alert logo

I-download ang papel-kaalamang ito na nagpapaliwanag sa Emergency Mobile Alert system.

Emergency Mobile Alert Feedback (Mga Komento tungkol sa Emergency Mobile Alert)

Ang pinakamahusay na paraan upang mabigyan kami ng feedback tungkol sa Emergency Mobile Alert ay ang punan ang aming survey. Ang impormasyong kinolekta sa survey na ito ay tutulong sa aming patuloy na pagbutihin ang sistema.

Magbigay ng komento tungkol sa Emergency Mobile Alert
Person holding a phone with unreadabale text and button that says submit

Iba pang mga paraan upang manatiling may-kaalaman

Ang mga Emergency Mobile Alert ay hindi para ipalit sa ibang mga emergency alert, o sa pangangailangang gumawa ng aksyon makaraan ang mga likas na babala.

Kailangan mo pa ring maghanda para sa emerhensya at hindi ka dapat maghintay na makatanggap ng alert bago ka kumilos. Kung sa palagay mo ay nasa panganib ang iyong buhay, huwag maghintay ng opisyal na babala. Kumilos kaagad.

Tiyaking may sarili kang pang-emerhensyang plano na kabibilangan ng:

  • ano ang gagawin
  • saan pupunta
  • kanino hihingi ng tulong, at
  • sino ang kailangan mong tingnan.

Makipag-ugnay sa inyong lokal na Civil Defence Emergency Management Group upang alamin ang iba pang mga sistema ng pag-alerto sa inyong pook.

Ko e laini matutaki ki Fafo
A radio

Mahalagang malaman ang iba’t ibang paraan upang ikaw ay manatiling may kaalaman sa oras ng emerhensya.

Maghanda

May ilang madaling mga hakbang na iyong magagawa upang tiyaking ikaw at ang iyong pamilya ay handa na upang makaligtas.