Ang pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert system ay mahalagang bahagi ng pagtiyak na ang sistema ay gumagana nang mahusay. Hanapin ang mga resulta at impormasyon tungkol sa pambuong bansang mga pagsusuri.

Bakit namin sinusubukan ang Emergency Mobile Alert

Ang pambuong bansang pagsubok ay mahalagang bahagi ng pagtiyak na ang Emergency Mobile Alert system ay gumagana nang maayos.

Ang pambuong bansang pagsubok ay ipinapadala sa mga cell tower sa buong New Zealand. Inaasahan namin na karamihan sa mga telepono ay may kakayahang tumanggap ng alert.

Sa nakalipas na anim na taon, nakatanggap kami ng libo-libong mga komento mula sa mga tao. Tumulong sa amin ang mga ito upang pabutihin ang Emergency Mobile Alert system.

Ang pinakahuling pambuong bansang pagsubok ay noong gabi ng ika-26 ng Mayo 2024. Dahil sa pandemyang COVID-19, nakansela ang mga pambuong bansang pagsubok ng Emergency Mobile Alert system noong 2020 at 2021. 

Ko e laini matutaki ki Fafo
Phone receiving an Emergency Mobile Alert

Mag-subscribe sa email tungkol sa mga gagawing pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert. Tatanggap ka ng email sa sandaling mapagpasyahan ang petsa para sa pagsusuri.

Mga resulta ng independiyenteng survey ng pambansang pagsubok

Makaraan ang 2018 at 2019 na pambuong bansang pagsubok, nagkomisyon ang Ministry of Civil Defence & Emergency Management ng isang independiyenteng survey.

Tiningnan ng mga survey ang:

  • proporsyon ng populasyon na nakatanggap ng test alert,
  • paunang kamalayan, at
  • pagkaunawa ng publiko.

Makaraan ang 2021 at 2022 na pagsubok, isinali ng NEMA ang mga tanong sa Annual Disaster Preparedness survey para masukat ang tagumpay ng Emergency Mobile Alert test.

Mula noong 2018 survey, lahat ng mga pangunahing hakbang ay bumubuti taun-taon.

Noong 2022, nai-rekord ng survey ang: 

  • Pinakamaraming bilang ng mga alert na natanggap (83%).
  • Sa 12% na hindi nakatanggap ng pagsubok, 27% ay malapit sa isang tao na nakatanggap ng pagsubok.

Nagpakita ang 2021 Annual Disaster Preparedness Survey na siyam sa sampung tao ang nakatanggap ng alert o kasama ng isang taong nakatanggap ng alert.

Noong 2019, ipinakita ng survey na ang:

  • Kamalayan sa  Emergency Mobile Alert system bago ang pagsubok ay 75%.
  • 80% ay naniniwala na ang Emergency Mobile Alert ay isang epektibong paraan ng pag-alerto sa mga taga-New Zealand tungkol sa isang emerhensya.
  • 82% ng mga tao ang naniniwala na hindi dapat makapag-opt-out ang mga tao.
Document

Basahin sa wikang Ingles ang mga resulta ng survey para sa 2018 at 2019 na pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert.

Emergency Mobile Alert

Ang mga Emergency Mobile Alert ay pinapanatiling ligtas ang mga tao. Ang mga alert ay ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone (may kakayahang telepono) mula sa tinarget na mga cell tower.