Maghanap ng mga sagot sa mga karaniwang tanong at pag-troubleshoot ng mga problema sa Emergency Mobile Alert.
Maraming dahilan kung bakit hindi ka nakatanggap ng mensaheng Emergency Mobile Alert. Hinihikayat namin ang lahat na sumalalay sa maraming iba't ibang paraan upang manatiling may kaalaman.
Tingnan kung ang iyong telepono ay kayang tumanggap ng Emergency Mobile Alert Maaari mong malaman ito sa mga setting ng iyong telepono. Inaasahan namin na ang karamihan sa mga teleponong binili pagkatapos ng 2017 ay makakatanggap ng mga Emergency Mobile Alert.
Kailangan ding ang iyong telepono ay may cell reception at up-to-date na software. Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo.
Kabilang sa iba pang posibleng dahilan sa hindi pagtanggap ng alert ay dahil ang iyong telepono ay:
Kung ang iyong telepono ay lumipat mula sa 3G tungo sa 4G network sa oras ng pagbrodkast, tatanggap ka ng alert mula sa dalawang network. Ganyan din ang mangyayari kapag nag-on at off ka ng flight mode. O nag-off at on ka ng iyong telepono sa oras ng pagbrodkast.
Ang ilang telepono ay may opsyonal na alert reminder na naka-on. Maaari itong maging sanhi ng paulit-ulit na pag-alarma ng telepono habang nagbobrodkast. Kung ang iyong telepono ay may alert reminder, mahahanap mo ito sa mga setting ng iyong telepono. Ang mga setting ay maaaring tawaging Wireless Alerts, Broadcast Alerts, o Emergency Alerts.
Kung ikaw ay tumanggap ng Emergency Mobile Alert, maaaring makita mo pa rin ito sa iyong telepono.
Bawat Android phone ay naiiba. Pero ang mga emergency alert ay karaniwang matatagpuan sa iyong 'Messages' app.
Halimbawa:
Para sa mga gumagamit ng iPhone, ang alert ay nasa iyong notifications. Maa-access mo ang iyong notifications sa pamamagitan ng pag-swipe down mula sa itaas ng iyong screen. Kung na-delete mo ang iyong notifications, madi-delete mo rin ang alert.
Ang Emergency Mobile Alert system ay batay sa internasyonal na istandard. Ang broadcast channel na aming ginagamit ay madalas tawaging Presidential Alert sa ibang bansa.
Nakipagtulungan kami sa mga tagagawa ng telepono at mga mobile network operator upang gamitin ang mga salitang Emergency Alert. Ngunit ang ilang mga telepono ay gagamit ng American standard at magpapakita ng Presidential Alert. Karaniwan itong nangyayari kung:
Ang kadaliang pag-access ng mga Emergency Mobile Alert ay depende sa yari at modelo ng iyong mobile phone. Kung mayroon kang hearing aid, maaaring i-set up ang alert upang dumaan sa iyong hearing aid.
Ang sistema ng Emergency Mobile Alert ay batay sa internasyonal na pamantayan. Bagama't maaari itong nakakatakot o nakakainis, pinili ito upang makuha ang iyong atensyon dahil hindi ito kasiya-siya sa tainga ng tao.
Kung ang iyong mobile phone ay gumagawa ng tunog para sa isang alert message ay depende sa gawa at modelo ng iyong telepono. Ang ilang mga tagagawa ng telepono ay hindi pumapayag na i-override ng mga emergency alert ang silent mode.
Kung nagmamaneho ka, dapat kang huminto sa gilid ng kalsada at basahin kaagad ang mensahe kung ligtas na gawin ito. Kung ikaw ay may pasahero, hilingan siyang basahin kaagad ang alert. Huwag tangkaing basahin ang alert habang nagmamaneho.
Ang Emergency Mobile Alert ay dapat gumana sa mga pook na may cell reception. Halos 97% ng mga pook na may populasyon ay nakakakuha ng cell reception. Ang mga mobile service provider ay nakikipagtulungan upang pabutihin ang saklaw ng mobile sa lahat ng oras.
Gumagamit ang Emergency Mobile Alert ng cell reception at hindi nagbo-broadcast gamit ang Wi-fi calling.
Ang Emergency Mobile Alert ay gumagamit ng mga network para sa mobile phone sa New Zealand. Ang mga alert ay maaari lamang ibrodkast sa mga mobile phone na may kakayahang tumanggap ng mga ito.
Makakatanggap ka lang ng Emergency Mobile Alert kung mayroon kang mobile signal. Sa kasalukuyan, ang Starlink ay nagbibigay lamang ng koneksyon sa internet, hindi ng mobile signal. Nauunawaan namin na inaayos ng Starlink ang kakayahang satellite-to-mobile. May alam kaming isa pang satellite provider (Lynk World) na nagbibigay na nito ngayon.
Ang pagtanggap ng mga Emergency Mobile Alert ay libre. Wala kang babayaran. Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo.
Alamin ang tungkol sa Emergency Mobile Alert. Ang mga Emergency Mobile Alert ay pinapanatiling ligtas ang mga tao. Ang mga alert ay ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone (may kakayahang telepono) mula sa tinarget na mga cell tower.