Ang baha ay madalas nangyayari sa New Zealand at maaaring maging sanhi ng malaking pinsala at kawalan ng buhay. Alamin ang gagawin bago, sa oras ng, at pagkatapos bumaha.
Ang Ministry for Ethnic Communities at ang National Emergency Management Agency ay nagtulungan upang lumikha ng seryeng ito ng mga video, para alam ng komunidad ang dapat gawin upang maghanda para sa iba't ibang mga sakuna at emerhensya, at paano tutugon kung mangyari ang mga ito.
Ipapaliwanag sa video na ito ang dapat gawin kung may baha.
Alamin ang panganib ng baha sa inyong pook. Ang inyong lokal na council ay maaaring may mga mapagkukunan at impormasyon kung paano babawasan ang maaaring gawing pinsala ng baha.
Regular na repasuhin ang iyong seguro. Mahalaga ang pagkakaroon ng seguro para sa iyong bahay at mga nilalaman upang tulungan ka kung mapinsalaan ka sa isang sakuna.
Hindi natin mahuhulaan ang mga sakuna, ngunit maaari nating paghandaan ang mga ito. Isa sa pinakamainam na mga lugar na mapagsisimulan ay ang iyong bahay. Alamin ang iyong magagawa upang gawing mas ligtas ang iyong bahay at bakit dapat mong tingnan nang regular ang iyong seguro.
Alamin mula sa inyong lokal na council kung ang iyong bahay o negosyo ay nasa panganib ng pagbaha at paano ka nila bibigyan ng babala kung kailangan mong lumikas. Magtanong tungkol sa:
Tukuyin ang mga suplay na maaaring kailanganin ninyo at magkasamang magplano.
Magpraktis ng iyong planong pang-emerhensya at ang daraanan mo sa paglikas tungo sa mas mataas na lugar.
Gumawa ng mga hakbang upang bawasan ang maaaring maging pinsala ng pagbaha at tiyaking ang iyong polisiya ng seguro ay sumasaklaw sa pinsala ng baha.
Sa isang emerhensya, ikaw ay maaaring ma-istak sa bahay nang tatlong araw o mahigit pa. Ang iyong bahay ay puno na ng pang-emerhensyang mga bagay na kunwari ay mga pang-araw-araw na mga bagay. Alamin kung anong mga suplay ang iyong kailangan at magplano upang makaraos.
Kaligtasan ang nangunguna. Huwag magsapalaran. Kumilos nang maagap kung makita mong tumataas ang tubig.
Ang mga baha at flash flood (biglang dating ng baha) ay maaaring mangyari nang mabilis. Kung makita mong tumataas ang tubig, huwag maghintay ng mga opisyal na babala. Pumunta sa mas mataas na lugar at manatiling malayo sa tubig-baha.
Huwag kailanman magtangkang lumakad, lumangoy o magmaneho sa tubig-baha. Maraming pagkamatay sa baha na sanhi ng mga taong nagtangkang magmaneho sa tubig.
Laging ipalagay na ang tubig-baha ay kontaminado ng mga duming umagos mula sa bukid, kemikal at dumi sa imburnal. Maaari kang magkasakit mula sa kontaminadong tubig-baha. Tiyaking maghugas ng iyong mga kamay, damit at mga ari-arian matapos magkaroon ng kontak sa mga tubig-baha.
Manatiling may kaalaman. Makinig sa radyo o sundan sa online ang Civil Defence Emergency Management Group.
Maghandang lumikas at panatilihing malapit sa iyo ang iyong grab bag. Makinig sa mga awtoridad ng serbisyong pang-emerhensya at lokal na Civil Defence. Sundin ang anumang mga tagubilin tungkol sa paglikas ng inyong pook. Lumikas kung dama mong hindi ka ligtas.
Ilagay ang mga alagang hayop sa isang ligtas na lugar at ilagay ang mga livestock sa mas mataas na lugar. Kung kailangan mong lumisan, dalhin mo ang iyong mga alagang hayop. Kung hindi ligtas para sa iyo, hindi ligtas para sa kanila.
Isara ang tubig, patayin ang kuryente at gas kung pinayuhang gawin ito.
Itaas ang mga nasa sahig na mamahalin at mapanganib na mga bagay sa mataas na lugar hangga’t maaari. Kabilang dito ang mga kagamitang de-kuryente at mga kemikal. Gumamit ng mga sisidlang di-mapapasukan ng tubig upang imbakin ang mga mahahalagang bagay.
Itaas mula sa sahig ang mga kurtina, alpombra at kagamitan sa kama.
Tingnan ang iyong mga kapitbahay at sinumang maaaring mangailangan ng iyong tulong.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Bumalik lamang sa bahay kung sasabihan ka na ligtas itong gawin ng Civil Defence at mga serbisyong pang-emerhensya. Maaaring hindi ligtas na bumalik sa bahay kahit bumaba na ang tubig-baha.
Lumayo sa mga napinsalang pook. Maaaring maging sagabal ka sa pagliligtas at iba pang gawaing pang-emerhensya at manganib pang higit sa natitirang mga epekto ng baha.
Tumingin bago ka humakbang. Pagkatapos bumaha, ang mga lupa at sahig ay maaaring madulas o natatakpan ng sukal, kabilang ang mga basag na bote at pako.
Tulungan ang iba kung kaya mo, lalo na ang mga taong maaaring mangailangan ng karagdagang tulong.
Itapon ang mga pagkain at inuming tubig na nagkaroon ng kontak sa tubig-baha, kabilang ang mga de-lata.
Iwasang uminom o maghanda ng pagkain gamit ang tubig sa gripo hangga’t hindi mo natitiyak kung ito ay kontaminado. Sundin ang anumang tagubilin sa pagpapakulo ng tubig mula sa inyong mga lokal na awtoridad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pagkain sa oras ng emerhensya at pagkatapos nito, bisitahin ang website ng Ministry for Primary Industries (Ministri para sa Pangunahing mga Industriya).
Linisin at patuyuin ang iyong bahay at lahat ng nilalaman nito. Maaaring gawing di-malusog ng tubig-baha ang hangin sa iyong bahay. Kapag nabasa ang mga bagay nang mahigit sa dalawang araw, ang mga ito ay karaniwang nagkakaamag. Maaaring mayroon ding mga mikrobyo at insekto sa iyong bahay pagkatapos bumaha.
Ang amag ay maaaring magdulot ng sakit sa mga taong may hika, alerdyi o iba pang mga problema sa paghinga.
Makipag-usap sa iyong doktor o iba pang medikal na propesyonal kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa paglilinis o pagtatrabaho sa isang bahay na nabaha. Kung may napakaraming amag, maaaring nais mong umupa ng propesyonal na tulong upang linisin ang amag.
Protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng:
Itapon ang anumang nabasa ng tubig-baha at hindi na maaaring linisin.
Itapon ang anumang kahoy na sandok, plastic na kagamitan, at mga susuhan ng bote ng sanggol at mga dummy kung nalublob sila sa tubig-baha. Walang ligtas na paraan ng paglilinis ng mga ito.
Pakuluan sa malinis na tubig upang disimpektahin ang mga metal na kaserola at mga kagamitan.
Alamin ang higit pa sa pagpapanatiling ligtas ng pagkain sa website ng Ministri para sa Pangunahing mga Industriya.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.