Iba’t ibang mga ahensya ay nagtutulungan upang mamahala ng mga emerhensya at panatilihing ligtas ang mga tao. Alamin kung sino ang gumagawa ng ano sa isang emerhensya.
Karamihan sa mga maliliit na emerhensya ay pinamamahalaan ng nauugnay na serbisyong pang-emerhensya. Halimbawa, ang Fire and Emergency New Zealand ang namamahala ng mga sunog sa gusali.
Ang New Zealand ay mayroon ding maliit-hanggang-katamtamang laki ng mga kaganapang sanhi ng likas na peligro gaya ng baha. Ang inyong lokal na council o Civil Defence Emergency Management Group ang namamahala ng mga ito. Ang mga Civil Defence Emergency Management Group ay binubuo ng mga council ng lungsod at distrito sa isang rehiyon.
May labing-anim na mga Civil Defence Emergency Management Group sa New Zealand.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Ilang mga emerhensya ang nangangailangan ng karagdagang koordinasyon ng mga serbisyo. Sa kasong ito, maaaring magdeklara ng sitwasyong lokal na emerhensya (state of local emergency). Ang sitwasyong lokal na emerhensya ay nagbibigay sa nauugnay na Civil Defence Emergency Management Group ng natatanging kapangyarihan upang harapin ang emerhensya.
Sa isang sitwasyong lokal na emerhernsya, ang nauugnay na Civil Defence Emergency Management Group ang namamahala ng pagtugon sa emerhensya. Kinapapalooban ito ng:
Ang mga Civil Defence Emergency Management Group ay maaari ring tumulong kung minsan kapag walang idineklarang sitwasyon ng emerhensya.
Para sa napakamalalaking emerhensya, ang Ministro para sa Pamamahala ng Emerhensya ay maaaring magdeklara ng isang sitwasyong pambansang emerhensya (state of national emergency). Sa kasong ito, ang Direktor ng Civil Defence Emergency Management ang may hawak ng pagkontrol. Ang National Emergency Management Agency ang mamamahala ng pagtugon.
Kung walang mga emerhensya, ang mga Civil Defence Emergency Management Group ay tumutulong sa pagbuo ng mas matatatag na mga komunidad. Kabilang dito ang:
Ang mga Civil Defence Emergency Management Group ay malapitang nakikipagtulungan sa:
Bawat Civil Defence Emergency Management Group ay may isang Civil Defence Emergency Management Plan. Ang Plano ay dapat kabilangan ng:
Kung walang mga emerhensya, ang National Emergency Management Agency ay nagtataguyod ng mas mahusay na pagkaya sa mga kapahamakan. Pinangangasiwaan din nito ang sistema ng pamamahala sa emerhensya sa New Zealand. Tinitiyak nito na ang sistema ay gumagana ayon sa inaasahan at tinutukoy ang mga pagkakataon para sa pagbuti.
Sinusuportahan ng National Emergency Management Agency ang pang-lokal, pang-rehiyon at pambansang pag-unawa at koordinasyon. Kabilang dito ang sa mga pamahalaan, iwi, lokal na pamahalaan, at pribado at pangkomunidad na mga organisasyon.
Ang National Emergency Management Agency ay:
Alamin ang higit pa tungkol sa National Emergency Management Agency.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.