Ang aktibidad ng bulkan ay maaaring kabilangan ng ashfall (pagbagsak ng abo), mga falling rock (bumabagsak na bato), hot gases (mainit na gas) at volcanic rock (batong galing sa bulkan), lava flows (agos ng lava), at malalaking mudflows (agos ng putik). Alamin ang gagawin bago, habang, at pagkatapos ng aktibidad ng bulkan.
Ang Ministry for Ethnic Communities at ang National Emergency Management Agency ay nagtulungan upang lumikha ng seryeng ito ng mga video, para alam ng komunidad ang dapat gawin upang maghanda para sa iba't ibang mga sakuna at emerhensya, at paano tutugon kung mangyari ang mga ito.
Ipapaliwanag sa video na ito ang dapat gawin kung may aktibidad ng bulkan.
Alamin ang panganib ng bulkan sa inyong pook. Ang inyong lokal na council ay maaaring may mga mapagkukunan at impormasyon kung paano mababawasan ang maaaring maging pinsala.
Regular na repasuhin ang iyong seguro. Mahalaga ang pagkakaroon ng seguro para sa iyong bahay at mga nilalaman upang tulungan ka kung mapinsalaan ka sa isang sakuna.
Hindi natin mahuhulaan ang mga sakuna, ngunit maaari nating paghandaan ang mga ito. Isa sa pinakamainam na mga lugar na mapagsisimulan ay ang iyong bahay. Alamin ang iyong magagawa upang gawing mas ligtas ang iyong bahay at bakit dapat mong tingnan nang regular ang iyong seguro.
Alamin ang panganib ng bulkan sa inyong komunidad. Makipag-usap sa inyong Civil Defence Emergency Management Group upang malaman kung paano ka nila babalaan ng isang pagsabog ng bulkan.
Tukuyin ang mga suplay na maaaring kailanganin ninyo at magkasamang magplano.
Kung ikaw ay nanganganib mula sa ashfall, idagdag ang mga sumusunod sa iyong mga pang-emerhensyang suplay. Ang Auckland, Bay of Plenty, Tairāwhiti, Hawke’s Bay, northern Manawatū, Northland, Taranaki at Waikato ang pinaka-nanganganib.
Ikaw ay maaaring ma-istak sa iyong sasakyan, kaya tandaang mag-imbak din ng mga pang-emerhensyang suplay sa sasakyan.
Gumawa ng plano sa online kasama ang iyong pamilya upang makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.
Sa isang emerhensya, ikaw ay maaaring ma-istak sa bahay nang tatlong araw o mahigit pa. Ang iyong bahay ay puno na ng pang-emerhensyang mga bagay na kunwari ay mga pang-araw-araw na mga bagay. Alamin kung anong mga suplay ang iyong kailangan at magplano upang makaraos.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Manatiling may kaalaman. Makinig sa radyo o sundan sa online ang Civil Defence Emergency Management Group.
Tingnan ang iyong mga kapitbahay at sinuman na maaaring mangailangan ng iyong tulong.
Sundin ang opisyal na payo mula sa:
Aksyunan ang iyong planong pang-emerhensya. Makinig sa radyo para sa mga bagong balita. Sundin ang mga tagubilin mula sa mga serbisyong pang-emerhensya at Civil Defence.
Manatili sa loob. Ang volcanic ash ay isang peligro sa kalusugan, lalo na kung ikaw ay may problema sa respiratoryo gaya ng hika o brongkitis.
Huwag tangkaing alisin ang abo mula sa iyong bubong habang bumabagsak pa ang abo.
Panatilihin sa loob ang mga alagang hayop.
Huwag magmaneho kung may abo sa kalsada.
Iwasan ang di-kailangang pagkalantad sa abo hangga’t hindi pa ito humuhupa. Kung kailangan mong lumabas, magsuot ng pamproteksyong pananamit:
Huwag magsuot ng mga contact lens dahil maaaring magasgas ang iyong mga mata ng makakapasok na abo. Sa halip ay magsuot ng salamin sa mata.
Bago magsimula ang ash fall, umuwi kung maaari, upang maiwasan ang pagmamaneho o paglalakad sa oras ng ash fall.
Kung may kapansanan ka sa paningin, magsuot ng salamin sa mata. Huwag magsuot ng mga contact lens dahil maaaring magasgas ang iyong mga mata ng makakapasok na abo.
Ipasok sa loob ang mga alagang hayop at ilagay ang livestock sa mga kanlungang maisasara. Tiyaking ang mga hayop ay may pang-suplementong pagkain at makakaabot sa malinis na maiinom na tubig.
Isara ang lahat ng mga bintana at pinto at patayin ang mga heat pump upang limitahan ang pagpasok ng volcanic ash. Magtakda ng isang lugar na pasukan para sa iyong bahay. Maglagay ng mga mamasa-masang tuwalya sa pasukan upang mapigilan ang pagpasok ng abo sa loob.
Takpan ang mga sensitibong kagamitang elektroniko. Huwag alisin ang mga takip hanggang ang kapaligiran sa loob ay kumpletong wala nang abo.
Takpan ang mga sasakyan, makinarya at spa pool upang maiwasan ang pinsala mula sa abo. Maaaring kainin ng abo ang metal na mga ibabaw at maging sanhi ng paggasgas sa mga windscreen at pintura.
Idiskonekta ang mga drainpipe/downspout mula sa alulod para hindi mabarahan ang mga daluyan. Kung gumagamit ka ng sistema sa pagkolekta ng tubig-ulan para sa iyong suplay ng tubig, idiskonekta ang tangke.
Tingnan ang iyong mga kapitbahay at sinuman na maaaring mangailangan ng iyong tulong.
Patuloy na sundin ang opisyal na payo mula sa:
Kung ikaw ay lumikas na, huwag uuwi hanggang sa masabihang ligtas nang gawin ito.
Tulungan ang iba kung kaya mo, lalo na ang mga taong maaaring mangailangan ng karagdagang tulong.
Panatilihin sa loob ang mga bata at sikaping pigilan ang paglalaro sa abo.
Panatilihin sa loob ang mga hayop hanggang nalinis na ang abo o pinatangay na sa tubig. Kung lalabas ang mga alagang hayop, linisin ang abo sa kanila gamit ang brush bago sila papasuking muli.
Tingnan ang iyong mga kapitbahay at sinuman na maaaring mangailangan ng iyong tulong.
Mahalagang maagap na linisin ang abo, dahil ito ay peligro sa kalusugan at maaaring makapinsala sa mga gusali at makinarya.
Kapag naglilinis, sundin ang payo at mga tagubilin mula sa inyong lokal na council at Civil Defence Emergency Management Group. Tandaan na:
Gamitin ang tubig nang talagang paunti-unti upang maiwasang maubos ang mga suplay ng tubig.
Magsuot ng pamproteksyong pananamit na tatakip sa iyong mga braso at binti, matibay na sapatos, isang wasto ang pagkaakma na P2 o N95 na mask, at goggles. na tatakip sa iyong mga braso at binti, matibay na sapatos, isang wasto ang pagkaakma na P2 o N95 na mask, at goggles.
Kung may kapansanan ka sa paningin, magsuot ng salamin sa mata. Huwag magsuot ng mga contact lens dahil maaaring magasgas ang iyong mga mata ng makakapasok na abo.
Linisin ang anumang abo sa loob upang protektahan ang kalidad ng hangin sa loob.
Ang abo ay mas nakakagasgas kaysa sa ordinaryong alikabok sa bahay. Ang pinakamabuting paraan ng paglilinis upang maiwasan ang pagkagasgas ay ang pag-vacuum at pagbanlaw. Gamitin ang tubig nang paunti-unti.
Kung maaari, linisin ang mga kagamitang elektroniko gamit ang air duster upang maiwasang magasgas ang delikadong mga ibabaw.
Hintaying huminto ang pagbagsak ng abo bago simulan ang anumang paglilinis sa labas.
Paglinis ng abo sa bubong. Ang paglilinis ng bubong ay dapat maingat na iplano dahil ito ay peligroso. Gumamit ng ligtas na mga pamamaraan sa pagtatrabaho.
Para sa mga driveway at iba pang matitigas na ibabaw, basain nang bahagya ang abo, pagkatapos ay walisin ito. Iwasang magwalis ng tuyong abo dahil lilikha ito ng mga mataas na antas ng abo sa hangin.
Alisin ang abo mula sa pintura ng kotse at mga windscreen gamit ang tubig, ngunit gamitin ang tubig nang paunti-unti. Iwasan ang pagkuskos dahil magagasgas ito.
Sundin ang mga opisyal na tagubilin tungkol sa pagkolekta at pag-imbak ng abo. Kontakin ang inyong lokal na council at Civil Defence Emergency Management Group para sa karagdagang impormasyon.
Huwag itapon ang abo sa mga kanal dahil mababarahan ang mga ito at magiging mahirap tanggalin.
Humanap ng impormasyon tungkol sa pagtatrabaho nang ligtas sa mga bubong mula sa website ng WorkSafe.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.