Gumawa ng plano para sa sambahayan kasama ang iyong pamilya upang makaraos. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.
Tiyaking ang iyong planong pang-emerhensya para sa bahay ay kahanay sa mga planong pang-emerhensya para sa iyong trabaho, paaralan, at iba pang mga lugar kung saan gumugugol ka ng maraming oras.
Punan ang form, pagkatapos ay i-print ito, idikit ito sa fridge at tiyaking alam ng lahat ang plano. O i-save ito bilang isang PDF at ipadala sa email sa iyong pamilya.
Tiyaking isinaalang-alang mo ang lahat ng mga pangangailangan ng iyong sambahayan, kabilang ang:
Mas gusto mo bang isulat-kamay ang iyong pang-emerhensyang plano? Maaari mong i-download at i-print ang PDF na bersyon sa papel ng aming Make a Plan template.
I-download ang PDF template na ito upang ikaw at ang iyong pamilya ay makagawa ng pang-emerhensyang plano.
Nasa sa iyo upang tiyaking alam ng iyong pamilya (whānau) at ng mga taong iyong minamahal kung ano ang gagawin.