Sa isang emerhensya, ikaw ay maaaring ma-istak sa bahay nang tatlong araw o mahigit pa. Alamin kung anong mga suplay ang iyong kailangan at magplano upang makaraos.

Ang kailangan mo sa isang emerhensya | What you will need in an emergency

Ang Ministry for Ethnic Communities at ang National Emergency Management Agency ay nagtulungan upang lumikha ng seryeng ito ng mga video, para alam ng komunidad ang dapat gawin upang maghanda para sa iba't ibang mga sakuna at emerhensya, at paano tutugon kung mangyari ang mga ito.

Ipapaliwanag sa video na ito ang kailangan mo sa isang emerhensya.

Sa bahay

Malamang na mayroon ka na ng karamihan sa mga bagay na kailangan mo. Hindi mo kailangang ilagay sila sa isang lugar, ngunit maaaring kailanganing hanapin mo ang mga ito nang madalian at/o sa dilim.

  • Tubig para sa tatlong araw o mahigit pa — tiyaking mayroon kang siyam na litro man lamang na tubig kada tao. Ito ay magiging sapat para inumin at sa batayang kalinisan.
  • Mga nagtatagal na pagkain na hindi na kailangang lutuin pa (maliban kung mayroon kang kalan na pang-kamping o de-gas na barbecue) at pagkain para sa mga sanggol at alagang hayop.
  • Mga toilet paper at malalaking plastik na timba para pang-emerhensyang kubeta.
  • Mga pantrabahong guwantes at wasto ang pagkakaakma na mga P2 o N95 mask.

Kung ikaw ay may partikular na pangangailangan sa pagkain, tiyaking sapat ang mga ito para sa tatlong araw sa bahay. Pati rin sa isang grab bag. Kung kailangan mong lumikas, ang mga kanlungang pang-emerhensya ay maaaring walang pagkaing kailangan mo.

Huwag kalimutan na ikaw at ang iyong mga kapitbahay ay maaari ring magtulungan sa pamamagitan ng pagsasaluhan ng mga suplay.

Sa pangangalaga sa iyong sarili at sa iyong sambahayan, tinutulungan mo rin ang mga serbisyong pang-emerhensya na magtutok ng kanilang mga limitadong mapagkukunan sa mga taong nangangailangan ng pinakamalaking tulong.

Ko e laini matutaki ki Loto
A kitchen tap

Ang mga suplay ng tubig, kabilang ang iinuming tubig, ay maaaring maapektuhan sa isang emerhensya. Mag-imbak ng suplay ng tubig para sa tatlong araw o mahigit pa. Alamin ang higit pa tungkol sa pag-iimbak ng tubig.

Sa isang grab bag

Ihanda ang mga grab bag para sa lahat sa iyong pamilya. Bawat bag ay dapat mayroong:

  • Panlakad na mga sapatos, makakapal na damit, kapote at sumbrero
  • Tubig at kakaning tsitsirya (huwag ding kalimutan ang mga sanggol at alagang hayop)
  • Hand sanitiser
  • Portable na phone charger
  • Pera
  • Mga kopya ng mahalagang mga dokumento at ID na may larawan

Huwag kalimutan ang anumang mga gamot na maaaring kailanganin mo at magtabi sa isang lugar ng iyong first aid kit, mask o panakip sa mukha, flashlight, radyo at mga baterya na maaari mong masunggaban nang madalian.

Kung ikaw ay may mga partikular na pangangailangan sa pagkain, tiyaking mayroon ka ring pagkaing kailangan mo sa iyong grab bag.

Sa iyong kotse

Magplano ng iyong gagawin nang maaga kung ikaw ay nasa iyong kotse kapag nangyari ang emerhensya. Ang baha, snow storm o malaking aksidente sa trapiko ay maaaring makapag-stranded sa iyo sa iyong sasakyan nang ilang oras.

Magtabi ng mahalagang mga bagay na pang-ligtas sa emerhensya sa iyong kotse. Kung ikaw ay nagmamaneho sa sukdulang mga kondisyon ng taglamig (winter), idagdag ang:

  • isang brush
  • isang pala
  • mga kadena para sa gulong
  • pangkayod ng windshield, at
  • makakapal na damit.

Maglagay sa iyong kotse ng isang pares ng panlakad na sapatos, isang waterproof jacket, kailangang-kailangang mga gamot, kakaning tsitsirya, tubig, kable ng phone charger at flashlight.

Manatiling up to date sa impormasyon tungkol sa panahon at daan kapag nagpaplanong magbiyahe.

Ko e laini matutaki ki Fafo
MetService logo

Manatiling up to date sa mga taya ng panahon ng MetService.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Waka Kotahi logo

Magplano ng iyong daraanan gamit ang impormasyon sa live na trapiko at paglalakbay sa website ng Waka Kotahi.

Sa trabaho

Tiyaking mayroon kang mga suplay sa trabaho kabilang ang matibay na panlakad na sapatos, waterproof jacket, flashlight, kakaning tsitsirya at tubig. Makipag-ugnayan sa mga nakatira sa kaparehong lugar at maaari kayong magtulungan upang magkasamang makauwi sa oras ng isang emerhensya.

Alamin kung paano ihahanda ang iyong trabaho
Ko e tagata taane ne fae fafao he taha kato lagomatai

Ihanda ang iyong sambahayan

Nasa sa iyo upang tiyaking alam ng iyong pamilya (whānau) at ng mga taong iyong minamahal kung ano ang gagawin.