Ang mga suplay ng tubig ay maaaring maapektuhan sa isang emerhensya. Mag-imbak ng suplay ng tubig para sa tatlong araw o mahigit pa.
Mag-imbak ng pang-tatlong araw man lang na suplay ng tubig. Kailangan mo ng mga tatlong litrong tubig na maiinom para sa bawat tao kada araw (mga siyam na litro para sa bawat tao sa tatlong araw). Katumbas ito ng apat na 2.25 litro ng mga bote ng soft drink. Ito ay sapat para inumin at para sa batayang kalinisan.
Dapat kang mag-imbak ng higit pa kung kaya mo. Ang mainit na mga kapaligiran at labis na pisikal na aktibidad ay maaaring magdoble ng kailangang dami.
Ang mga bata, mga nagpapasusong ina at mga may sakit ay mangangailangan din nang higit pa.
Tiyaking isali ang maiinom at panlinis na tubig para sa iyong mga alagang hayop. Ang dami na kailangan ay magdedepende sa laki nila at sa mga kondisyon. Tandaan na ang mga alagang hayop kadalasan ay iinom ng mas maraming tubig kaysa sa karaniwan kapag nai-stress.
Kailangan mo ng mas maraming tubig kung nais mong maligo, magluto, maglinis gamit ang tubig, o kung matatagalan ang emerhensya.
Ang ilang mga bahagi ng New Zealand ay maaaring mawalan ng tubig nang mas matagal kaysa sa tatlong araw sa oras ng emerhensya. Maaaring irekomenda ng inyong Civil Defence Emergency Management Group kung gaano karami ang dapat mong imbakin.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Maraming paraan para mag-imbak ng iyong pang-emerhensyang tubig.
Kung gumagamit ka ng nakolektang tubig-ulan, tiyaking disimpektahin ito gamit ang Kung gumagamit ka ng nakolektang tubig-ulan, tiyaking disimpektahin ito gamit ang household bleach. Kung hindi mo tiyak ang kalidad ng tubig, huwag inumin ito.
Humanap ng payo sa pagpapanatiling ligtas ng tangke ng tubig laban sa kontaminasyon, kabilang ang paggamit ng mga water filter, sa website ng HealthEd.
Kung naghahanda ka ng sarili mong mga sisidlan ng tubig, sundin ang mga tagubilin sa ibaba.
Kung pinili mong bumili ng naka-botelyang tubig, imbakin ito sa orihinal na nakasarang sisidlan. Buksan lamang ito kung kailangan mo nang gamitin. Obserbahan at palitan ayon sa petsa ng pagkapalso o petsa na hindi na magagamit ito.
Nasa sa iyo upang tiyaking alam ng iyong pamilya (whānau) at ng mga taong iyong minamahal kung ano ang gagawin.