Sa isang emerhensya, maaaring hindi tumatakbo ang mga pampublikong sasakyan, at ang mga kalsada at kapitbahayan ay maaaring naharangan.
Kung hindi mo magamit ang karaniwang dinaraanan mo pauwi, paano ka makakarating doon? Sino ang sasamahan mo? Saan kayo magkikita-kita kung hindi maaaring pumasok sa inyong kalye?
Pagkasunduan ang lugar kung saan magkikita-kita kung hindi ka makauwi. Ito ay maaaring isang paaralan, lugar ng kaibigan o sa pamilya (whānau).
Kung ikaw ay nagtatrabaho nang malayo sa bahay, humanap ng mga katrabahong nakatira sa inyong pook. Sa isang emerhensya, maaari kayong magkasamang magbiyahe.
Mag-iwan ang grab bag sa trabaho o sa iyong kotse. Dapat itong magkaroon ng mga panlakad na sapatos, makapal na damit, ilang kakaning tsitsirya at bote ng tubig. Makakatulong din ang isang flashlight, ilang baterya at radyo.
Bigyan ang inyong paaralan o early childhood centre ng listahan ng tatlong tao na maaaring sumundo sa mga bata kung hindi ka makakarating doon.
Ang pag-unawa sa mga epekto ng isang emerhensya ay maaaring makatulong sa iyo na makaraos. Kausapin ang mga tao sa iyong sambahayan at alamin ang inyong gagawin sa mga sitwasyong ito.