Sa karamihan sa mga emerhensya, pinakamabuti ang manatili sa sarili mong bahay kung ligtas na gawin ito. Maaaring mangahulugan iyan na walang kuryente at tubig o anumang paraan ng pagkuha ng suplay nang tatlong araw o mahigit pa.
May sapat ka bang pagkain at tubig? Paano ang mga kapamilyang kailangan ng gamot? May sapat ka bang pagkain at tubig para sa mga alagang hayop para makaraos din sila?
Ang iyong pang-emerhensyang mga suplay ay hindi kailangang nasa isang kit, ngunit maaaring kailangang hanapin mo ang mga ito sa dilim. Tiyaking alam ng lahat kung nasaan ang mga flashlight (torch) at baterya.
Alamin ang mga suplay na kailangan ninyo
Kapag nawalan ng kuryente, unang kainin ang pagkain na nasa fridge, pagkatapos ay ang nasa freezer. Pagkatapos ay kainin ang pagkain na nasa inyong cupboard (paminggalan) o sa inyong pang-emerhensyang kit.
Makipagkilala sa iyong mga kapitbahay. Sa isang emerhensya, maaaring kailanganin nila ang iyong tulong o maaaring kailanganin mo ang kanilang tulong, at maaaring kayo ay magkasamang magtulungan upang makaraos.
Manatiling up to date sa mga impormasyong pang-emerhensya sa pamamagitan ng pakikinig sa radyong pinapatakbo ng baterya o araw (solar). Tingnan ang mga website ng inyong lokal na council at/o Civil Defence Emergency Management Group at social media. Sundin ang mga tagubilin ng civil defence at mga serbisyong pang-emerhensya.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Ang pag-unawa sa mga epekto ng isang emerhensya ay maaaring makatulong sa iyo na makaraos. Kausapin ang mga tao sa iyong sambahayan at alamin ang inyong gagawin sa mga sitwasyong ito.