Dumapa, Sumuklob at Kumapit ay tamang aksyon na magagawa kapag may lindol. Alamin kung paano isasagawa ang Dumapa, Sumuklob at Kumapit.

Dumapa, Sumuklob at Kumapit

DUMAPA sa iyong mga kamay at tuhod. Pinipigilan ka nitong mabuwal ngunit hinahayaan kang kumilos kung kinakailangan.

SUKLUBAN ang iyong ulo at leeg (o ang iyong buong katawan kung maaari) sa ilalim ng isang matibay na mesa (kung ilang hakbang lang ang layo nito sa iyo). Kung walang malapit na sukluban, takpan ang iyong ulo at leeg ng iyong mga braso at kamay.

KUMAPIT sa sinukluban mo (o sa iyong posisyon upang protektahan ang iyong ulo at leeg) hanggang sa huminto ang pagyugyog. Kung niyuyugyog ng pagyanig ang iyong sinukluban, gumalaw ka nang naaayon dito.

Drop, Cover and Hold (姿勢を低く、何かの下に隠れる、動かない) を行う小学生

Paano gagawin ang Dumapa, Sumuklob at Kumapit sa iba’t ibang mga sitwasyon

Person doing Drop Cover and Hold outdoors

Kung ikaw ay nasa labas

Kung ikaw ay nasa labas, lumayo ka ng ilang hakbang mula sa mga gusali, puno, poste ng ilaw sa kalsada at mga poste ng linya ng kuryente, pagkatapos ay Dumapa, Sumuklob at Kumapit.

People doing Drop, Cover and Hold in elevator

Kung ikaw ay nasa elebeytor

Kung ikaw ay nasa elebeytor, Dumapa, Sumuklob at Kumapit.

Kapag huminto na ang pagyugyog, sikaping lumabas sa pinakamalapit na palapag kung ligtas mong magagawa ito.

Car stopped next to a stop symbol

Kung ikaw ay nagmamaneho

Kung ikaw ay nagmamaneho, huminto sa tabi sa isang walang-sagabal na lokasyon. Huminto.

Maghintay doon na naka-seatbelt hanggang sa huminto ang pagyugyog.

Kapag huminto na ang pagyugyog, maingat na muling magmaneho at iwasan ang mga tulay o rampa dahil baka napinsala ang mga ito.

Person in bed with their pillow over their head

Kung ikaw ay nasa kama

Kung ikaw ay nasa kama, manatili sa kama ay italukbong sa iyo ang mga kumot at blangket at gamitin ang iyong unan upang protektahan ang iyong ulo at leeg.

Malamang na hindi ka mapinsala kung mananatili ka sa kama.

Person doing Sit Cover and Hold with a cane

Kung mayroon kang kapansanan sa pagkilos o gumagamit ng tungkod

Kung ikaw ay may kapansanan sa pagkilos o gumagamit ng tungkod, yumuko ka nang pinakamababa hangga’t maaari o maupo sa silya, kama, atbp.

Sukluban ang iyong ulo at leeg ng iyong mga kamay.

Ilapit sa iyo ang iyong tungkod para magamit mo ito paghinto ng pagyugyog.

Person doing Lock Cover and Hold in a wheelchair

Kung ikaw ay gumagamit ng walker o wheelchair

Kung ikaw ay gumagamit ng walker o wheelchair, i-Lock, Sumuklob at Kumapit.

I-lock mo ang iyong mga gulong at yumuko nang pinakamababa hangga’t maaari.

Yumuko at Sukluban ang iyong ulo at leeg nang buong makakaya mo.

Pagkatapos ay Kumapit hanggang sa huminto ang pagyugyog.

Mga mapagkukunan

Ko e Tau Talahauaga
Cartoon person doing Drop, Cover and Hold

Alamin kung bakit ang Dumapa, Sumuklob at Kumapit ang tamang aksyong gagawin kapag may lindol na nasa papel-kaalamang ito sa wikang Ingles.

Vitio
Cartoon person doing Drop, Cover and Hold

Dumapa, Sumuklob at Kumapit ay tamang aksyon na magagawa kapag may lindol. Panoorin sa wikang Ingles ang maikling video na ito upang malaman ang higit pa tungkol sa Dumapa Sumuklob at Kumapit.

Ko e Tau Talahauaga
Cartoon person doing Drop, Cover and Hold

I-download at ibahagi ang papel-kaalamang ito tungkol sa gagawin bago, habang at pagkatapos ng lindol.

Mga uri ng peligro

Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.