Kung ikaw ay nasa isang sona sa paglikas sa tsunami, dapat mong praktisin ang iyong daraanan sa paglikas, o ‘tsunami hīkoi’. Ang tsunami hīkoi ay isang paglakad na magdadala sa iyo sa iyong daraanan sa paglikas sa tsunami na palayo sa dagat o papunta sa mataas na lugar.
Ang tsunami hīkoi ay isang paglakad na magdadala sa iyo sa iyong daraanan sa paglikas sa tsunami na palayo sa dagat o papunta sa mataas na lugar. Ang pagpraktis ng iyong daraanan sa paglikas sa tsunami ay tutulong na matandaan mo ito kapag may nangyari, kahit na sa isang labis na nakaka-stress na sitwasyon.
Lahat ng New Zealand ay nasa panganib ng mga lindol at tsunami. Ang pagpraktis ng iyong tsunami hīkoi ay isang madaling paraan para sa iyo at sa mga nakapaligid sa iyo na matutuhan ang mga tamang aksyon na gagawin. Praktisin ng iyong paglikas sa mataas na lugar o palayo sa dagat sa pamamagitan ng paglakad o pagbisikleta.
Kung ikaw ay nasa isang sona para sa paglikas sa tsunami, praktisin ang paglikas palabas sa sona.
Tandaan, Matagal o Malakas, Lumikas.
Dumapa, Sumuklob at Kumapit habang yumayanig. Protektahan muna ang iyong sarili laban sa lindol.
Kapag huminto na ang pagyanig, pumunta kaagad sa pinakamalapit na mataas na lugar o sa malayong-malayo sa baybay-dagat hangga’t maaari palayo sa mga sona ng paglikas sa tsunami.
Lahat ng mga baybaying-dagat ng New Zealand ay nanganganib sa tsunami. Ang linggo ng tsunami hīkoi ng East Coast LAB ay humihikayat sa mga tao na matuto at magpraktis ng kanilang daraanan sa paglikas sa tsunami.
AngNew Zealand ShakeOut(external link) sa Oktubre ay isa ring mabuting pagkakataon para ikaw ay magpraktis ng iyong tsunami hīkoi.
Bisitahin ang website ng East Coast LAB upang malaman ang tungkol sa Tsunami Hīkoi Week.
Alamin kung ang iyong bahay, trabaho, paaralan o pangkomunidad na lugar sa pagkikita-kita ay nasa isang sona ng paglikas sa tsunami. Magplano ng daraanan na magdadala sa iyo nang ligtas palabas sa sona. Magplanong lumakad o magbisikleta kung kaya mo. Ang inyong Civil Defence Emergency Management Group ay may mga mapa ng sona para sa paglikas sa tsunami at payo.
Magpasya kung saan ka pupunta (at tiyaking alam ito ng lahat sa iyong pamilya, sakaling hindi kayo lahat magkakasama). Ang iyong lugar sa paglikas ay malamang na kasama ang mga kaibigan o pamilya, kaya tiyaking alam nila ang iyong mga plano.
Praktisin ang iyong tsunami hīkoi kasama ang iyong pamilya, mga kasamahan o kaiskuwela. Ang linggo ng tsunami hīkoi at ShakeOut ay mabuting pagkakataon para magpraktis. Kung ikaw ay may alagang hayop, maaari mo siyang ilakad sa iyong daraanan sa paglikas sa tsunami.
Alamin ang gagawin bago, sa oras at pagkatapos ng isang tsunami.
Alamin ang inyong mga sona ng paglikas sa tsunami. Makipag-alam sa inyong Civil Defence Emergency Management Group. Mayroon silang mga mapa ng sona sa paglikas sa tsunami at payo. Tiyaking alam mo kung saan pupunta, maging ikaw ay nasa bahay man, sa trabaho o gumagala.
I-download ang papel-impormasyon ng East Coast LAB tungkol sa tsunami hīkoi. Mag-organisa ng pangkomunidad na tsunami walk.
I-download ang poster ng East Coast LAB tungkol sa tsunami hīkoi. Ipakitang ikaw ay lumalahok at tumutulong na ikalat ang balita.
I-download at i-print ang poster na ito. Ipaskil ito sa iyong bahay, paaralan, trabaho o komunidad. Tandaan, kung ang lindol ay Matagal o Malakas, Lumikas.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.