Kung ikaw ay may kapansanan o anumang mga pangangailangan na maaaring maglagay sa iyo sa mas malaking panganib sa isang emerhensya, sundin ang mga hakbang na ito para maghanda.

Pag-usapan kung paano maaaring makaapekto sa iyo ang emerhensya

Sa isang emerhensya, magiging abala ang civil defence at mga pang-emerhensyang serbisyo sa pagtulong sa mga taong higit na nangangailangan sa kanila. Nasa sa iyo ang maghanda. Maaaring mangahulugan ito ng pagkakaroon ng mga bagay tulad ng mga medikal na suplay o backup na sistema ng kuryente para sa tatlong araw o mahigit pa.

Paano ka maaapektuhan ng isang emerhensya? Paano kung sarado ang mga daan at tindahan? Paano kung walang kuryente, tubig, telepono o internet? Paano kung kailangan mong umalis ng bahay nang madalian?

Makipag-usap sa iyong sambahayan at sa iyong network ng suporta tungkol:

  • sa uri ng mga suplay na maaaring kailanganin mo
  • sa suportang kailangan mo, at
  • saan ka pupunta kung hindi ka maaaring manatili sa bahay.

Isipin ang iyong gagawin kung:

  • may mga bagay na nabago ang lugar o nasira, o may sukal
  • ang mga pamilyar na palatandaan ay gumalaw o nawasak
  • ang iyong service animal (pantulong na hayop) ay nasaktan o lubhang takot upang magtrabaho.

Magplano

Magplano upang makaraos sa emerhensya. Dapat kang magpasya kung ano ang kaya mong gawin para sa iyong sarili at ang tulong na maaaring kailanganin mo bago, habang at pagkatapos ng emerhensya.

Ilista ang iyong personal na mga pangangailangan at mga mapagkukunan para matugunan ang mga ito sa isang emerhensya. Maaaring baguhin ng isang emerhensya ang kakayahan mong kumaya sa iyong kapaligiran. Mahalagang ikaw ay magplano para sa iyong pinakamababang antas ng paggana.

Tiyaking ikaw ay pamilyar sa mga plano para sa iyong trabaho, paaralan o anumang iba pang mga lugar kung saan gumugugol ka ng maraming oras. Kung ang kasalukuyang plano ng iyong trabaho o paaralan ay walang mga kaayusan para sa mga taong may kapansanan, tiyaking alam ng pangasiwaan ang iyong mga pangangailangan.

Bumuo ng isang personal na network ng suporta

Bumuo ng isang pangkat ng suporta na tutulong sa iyo sa isang emerhensya, bago mo pa sila kailanganin. Sa isang emerhensya, maaaring kailangan mong humingi ng tulong upang gawin ang mga bagay na karaniwan ay nagagawa mong mag-isa.

Karaniwang ang unang mga tao na tutulong sa isang emerhensya ay ang iyong mga kapitbahay, kaibigan, tagapag-alaga at katrabaho. Sila ay dapat mga tao na kadalasan ay nasa mismong lugar na kinaroroonan mo.

Makipagkilala sa iyong mga kapitbahay. Ibahagi ang mga detalye ng contact upang ikaw ay makipag-ugnayan kung may mangyaring emerhensya. Sabihin mo sa kanila ang iyong pang-emerhensyang plano at tanungin sila tungkol sa kanilang mga plano.

Huwag umasa sa isang tao lamang. Maaaring hindi ka makontak ng taong iyon o hindi siya makatulong kapag kailangan mo siya.

Maaari kang tulungang maghanda para sa isang emerhensya ng iyong network ng suporta. Halimbawa, maaaring matulungan ka nilang tingnan ang iyong bahay o lugar ng trabaho upang tiyaking ito ay ligtas at angkop.

Bumuo ng isang pangkat ng suporta sa bawat lugar kung saan gumugugol ka ng malaking bahagi ng iyong araw. Makipag-usap sa iyong pangkat ng suporta tungkol sa iyong pang-emerhensyang plano. Tutulong ito sa mga miyembro ng iyong network na matutunan ang pinakamagaling na paraan upang tulungan ka at bigyan ka ng iba pang ideya upang pag-isipan.

Praktisin ang iyong plano kasama ang iyong network ng suporta. Isali kung paano mo gagawin ang Dumapa, Sumuklob at Kumapit kung may lindol at paano ka lilikas kung may tsunami o baha.

Pagkasunduan kung paano ninyo kokontakin ang isa’t isa sa oras ng emerhensya. Paano ninyo kokontakin ang isa’t isa kung walang internet at linya ng telepono?

Hilingin sa iyong network na tingnan ka kaagad kung ikaw ay pinayuhang lumikas.

Tiyaking mayroon kang anumang mga suplay na maaaring kailanganin mo

Sa isang emerhensya, maaaring sarado nang maraming araw ang mga daan at tindahan. Tiyaking mayroon kang mga suplay para sa tatlong araw man lamang. Isali ang anumang mga gamot o partikular na kagamitan na maaaring kailanganin mo.

  • Kung kailangan mong ilagay sa fridge ang iyong mga medikal na suplay, tiyaking mayroon kang alternatibong suplay ng kuryente o sistema ng refrigeration.
  • Magsuot ng medical alert tag o bracelet upang tukuyin ang iyong kapansanan o kondisyon ng kalusugan.
  • Alamin ang mga suplay na kailangan mo. Maglagay ng mga kailangang-kailangang mga suplay sa isang grab bag sakaling kailangan mong umalis nang madalian.
  • Kung ikaw ay naglalakbay, ipaalam sa manedyer ng hotel o motel ang iyong mga pangangailangan sakaling may emerhensya.
  • Alamin kung saan pupunta para sa tulong kung ikaw ay umaasa sa kasangkapang nagpapatuloy-buhay o paggamot na maaaring hindi gumana sa isang emerhensya.
  • Kung ikaw ay may mga pangangailangan sa pagkain o mga alerdyi sa pagkain, tiyaking may sapat kang pagkain na aabot sa tatlong araw. Dapat mo ring isali ang kakaning tsitsirya sa iyong grab bag at tiyaking ang iyong lugar ng pagkikita-kita ay mayroong maraming pagkaing pangmatagalan at angkop.
  • Kung ikaw ay may hika o kondisyon sa respiratoryo, tiyaking ang iyong grab bag ay may mga dust mask (gradong P2 o N95). Ang mga emerhensyang gaya ng mga pagsabog ng bulkan at lindol ay maaaring gawing mas mahirap ang paghinga.

Payo para sa mga taong may kapansanan

Kung ikaw ay may kapansanan o anumang mga pangangailangan na naglalagay sa iyo sa mas malaking panganib sa isang emerhensya, humanap ng payo sa paghahanda.