Kung ikaw ay bulag o may kapansanan sa paningin, magplano kung paano ka maaapektuhan ng isang emerhensya. Humanap ng payo at impormasyong naka-audio.

Maghanda kung kailangan mong lumikas

Maaaring kailangan mong umasa sa iba kung kailangan mong lumikas o pumunta sa isang hindi pamilyar na Civil Defence Centre.

  • Kung ikaw ay may guide dog, tiyaking mayroon kang grab bag para sa kanya na may pagkain, mga gamot, rekord ng pagbabakuna, identipikasyon at tali.
  • Magkaroon ng reserbang mga tungkod sa bahay at sa lugar ng trabaho, kahit na gumagamit ka ng guide dog. Ang mga hayop ay maaaring malito o mataranta sa isang emerhensya.
  • Ang mga sinanay na mga service animal ay maaaring mamalagi sa mga pang-emerhensyang kanlungan kasama ng kanilang mga may-ari. 
Document
Royal New Zealand Foundation of the Blind logo

Ang Royal New Zealand Foundation of the Blind ay may payo sa wikang Ingles tungkol sa kahandaan sa lindol para sa mga taong bulag o may kapansanan sa paningin.

Mga audio tungkol sa mga peligro at ano ang gagawin upang maging mas handa

Payo para sa mga taong may kapansanan

Kung ikaw ay may kapansanan o anumang mga pangangailangan na naglalagay sa iyo sa mas malaking panganib sa isang emerhensya, humanap ng payo sa paghahanda.