Ang mga Disability Assist Dog ay responsibilidad mo. Kailangang isali mo sila sa iyong pang-emerhensyang pagpaplano at paghahanda.

Kung ikaw ay may assistance dog, gaya ng guide dog, ipa-certify ito sa isang awtorisadong organisasyon, gaya ng Blind Low Vision NZ.

Kumuha ng identipikasyong tag ng Disability Assist Dog. Ito ay isang bukud-tanging tag na suot ng isang asong sertipikado para sa madaling identipikasyon ng katayuang Disability Assist Dog. Tiyaking suot ng aso ang identipikasyong tag sa lahat ng oras. Ang tag ay nagbibigay sa mga service dog ng access sa mga civil defence centre sa isang emerhensya. Sumusuporta din ito sa mabilis na pagsasamang muli kung ikaw at ang iyong aso ay magkahiwalay.

Magplano para sa iyong aso. Magkaroon ng grab bag para sa iyong aso na may pagkain, mga gamot, rekord ng pagbabakuna, identipikasyon at tali.

Tiyaking kilala ng iyong aso ang mga tao sa iyong network ng suporta. Gagawin nitong mas madali para sa iyong aso na tumanggap ng pangangalaga mula sa ibang tao maliban sa iyo.

Payo para sa mga taong may kapansanan

Kung ikaw ay may kapansanan o anumang mga pangangailangan na naglalagay sa iyo sa mas malaking panganib sa isang emerhensya, humanap ng payo sa paghahanda.