Kung ikaw ay bingi o may kahirapan sa pagdinig, magplano kung paano ka maaapektuhan ng isang emerhensya. Humanap ng plano at mga video na nasa New Zealand Sign Language.

Tiyaking mayroon kang paraan sa paghanap ng mga babala, impormasyon at payo sa isang emerhensya

  • Ang mga istasyon ng radyo at telebisyon ay magbobrodkast ng civil defence na impormasyon at payo Hilingan ang iyong personal na network ng suporta na alertuhin ka sa anumang mga babala at panatilihin kang may kaalaman. Kontakin ang inyong Civil Defence Emergency Management Group o council upang alamin ang mga sistema ng babala na mayroon sa inyong komunidad.
  • Bigyan ng susi sa iyong bahay ang kapitbahay o isang tao sa iyong network ng suporta para maalertuhan ka niya.
  • Mag-instala ng isang sistema ng pagbabala na angkop sa iyong mga pangangailangan. Halimbawa, isang alarma na may kumikislap na strobe light para mapansin mo. Palitan ang mga baterya tuwing 12 buwan.
  • Maglagay ng pad ng papel, mga lapis at flashlight kasama ng mga baterya sa iyong grab bag upang makapagkomunikasyon ka sa iba.
Ko e laini matutaki ki Fafo
Deaf Aotearoa New Zealand logo

Ang Deaf Aotearoa ay may mga serbisyo na makukuha ng mga taong Bingi o may kaninaan ng pandinig.

Mga video na nasa New Zealand Sign Language

Ko e laini matutaki ki Fafo

Panoorin ang mga video sa New Zealand Sign Language tungkol sa mga peligro at emerhensya sa New Zealand.

Payo para sa mga taong may kapansanan

Kung ikaw ay may kapansanan o anumang mga pangangailangan na naglalagay sa iyo sa mas malaking panganib sa isang emerhensya, humanap ng payo sa paghahanda.