Maaari mong pinuhin ang iyong seleksyon sa pamamagitan ng pagpili mula sa listahan ng mga paksa at wika sa ibaba.
Sa oras ng emerhensya ang karaniwang pang-araw-araw na pamumuhay ay napuputol at maaaring kailangang umalis sa kanilang mga bahay ang mga tao. Ito ay maaaring maging lalong mahirap para sa mga ina at taong nag-aalaga ng mga sanggol.
Ang Health New Zealand ay may payo tungkol sa pagpapasuso ng iyong sanggol sa isang emerhensya para sa mga sanggol na sumususo sa ina at sa bote.
Ang Marae Emergency Preparedness Plan (Plano sa Kahandaan sa Emerhensya ng Marae) ay tumutulong ihanda ang marae para sa isang emerhensya. Hinihikayat nito ang whānau, hapū at iwi na pag-isipan ang maaaring maging epekto ng mga likas na sakuna.
Ang mga bata ay may sarili nilang paraan ng pagkaya sa trauma ayon sa yugto ng kanilang pag-unlad. Ang Ministri ng Kalusugan ay may mga patnubay tungkol sa pagtulong sa mga bata na kumaya sa trauma.
Ang Royal New Zealand Foundation of the Blind ay may payo sa wikang Ingles tungkol sa kahandaan sa lindol para sa mga taong bulag o may kapansanan sa paningin.
Magbigay sa amin ng komento (feedback) tungkol sa Emergency Mobile Alert. Ang impormasyong kinolekta sa survey na ito ay ginamit upang gumawa ng patuloy na pagpapabuti sa platform ng pag-alerto.
Basahin sa Ingles ang Desisyong manatili sa non-opt-out (walang makakaurong) na channel para sa Emergency Mobile Alert para sa karagdagang impormasyon.
I-download at i-print ang poster na ito. Ipaskil ito sa iyong bahay, paaralan, trabaho o komunidad. Tandaan: Dumapa, Sumuklob, Kumapit.
Gumawa ng plano sa online kasama ang iyong pamilya upang makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.
Sumali sa isang Neighbourhood Support Group sa website ng Neighbourhood Support o tumawag sa 0800 463 444.
Hanapin ang mga tagubilin para ma-update ang iyong teleponong Samsung sa website ng Samsung NZ.
Magkaroon ng Neighbour’s Day. Ang Neighbour’s Day ay ginaganap tuwing Marso. Hinihikayat nito ang mga magkakapitbahay na makilala ang isa’t isa. Hindi mahalaga kung ikaw ay isang indibidwal, grupo o organisasyon. O kung ang inyong pook ay binubuo ng mga bahay, flat, negosyo o iba pa sa kabuuan. Maaari kang mag-anyaya sa isang kaganapang ibinagay nang sadya sa inyong pook.
Pakinggan ang mga audio recording na ito sa wikang Ingles tungkol sa kahandaan sa emerhensya.
Sundin ang Shut happens na listahan ng gagawin sa Ingles upang lumikha ng mga plano kung may mangyari sa iyong negosyo.
Ang Ministri para sa Pangunahing mga Industriya (MPI) ay may payo para sa paghahanda ng plano para sa iyong mga hayop. Kinabibilangan ito ng mga tseklist para sa iba’t ibang uri ng hayop at iba’t ibang mga emerhensya. Pag-aralan ang mga tseklist para bumuo ng iyong plano.
I-download ang papel-impormasyon ng East Coast LAB tungkol sa tsunami hīkoi. Mag-organisa ng pangkomunidad na tsunami walk.
I-download ang poster ng East Coast LAB tungkol sa tsunami hīkoi. Ipakitang ikaw ay lumalahok at tumutulong na ikalat ang balita.
Gamitin ang gabay na ito kung ano ang isasali sa iyong pang-emerhensyang pagpaplano mula sa business.govt.nz.
Pakinggan ang mga audio rekording na ito kung paano maghahanda para sa isang emerhensya.
Ang Ministri ng Edukasyon ay may payo para sa mga paaralan at early childhood centre tungkol sa paghahanda para sa at pagkaya sa mga emerhensya
Ang inyong Civil Defence Emergency Management Group ay may mga mapa ng sona para sa paglikas sa tsunami at payo. Tiyaking alam mo kung saan pupunta, kung ikaw man ay nasa bahay, trabaho o gumagala.