Ang space weather (panahon sa kalawakan) ay nanggagaling sa aktibidad sa ibabaw ng Araw. Bihira ang mga matinding solar storm (unos sa araw). Hindi nakakapinsala sa mga tao o hayop ang mga ito. Subali't ang mga ito ay maaaring makasira sa ating mga network ng kuryente.

Ang space weather ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kuryente na maaaring tumagal nang hanggang anim na araw. Alamin ang dapat gawin bago, habang at makaraan ang space weather.

Bawasan ang mga epekto ng space weather

Ang space weather ay may potensyal na makapinsala sa ating mga network ng kuryente, at ang lahat o bahagi ng grid ay maisasara upang protektahan ito. Ang Transpower ang system operator at nangangasiwa sa grid ng kuryente ng New Zealand para sa New Zealand.

Ang biglaang pagkawala ng kuryente (power cuts) ay nakakagambala sa ating buhay. Ang grid ng kuryente ay papatayin lamang upang protektahan ang ating mga network ng kuryente laban sa pangmatagalang pinsala.

Ang biglaang pagkawala ng kuryente ay umaapekto rin sa mga pang-araw-araw na serbisyo tulad ng:

  • EFTPOS,  
  • tubig at imburnal,
  • mga pambomba ng gasolina at diesel sa mga service station, at
  • supply ng pagkain at iba pang mga bagay sa mga supermarket.

Lahat tayo ay makakabawas sa mga epekto ng space weather. Isipin ang mga bahagi ng iyong bahay na umaasa sa kuryente.

  • Mayroon bang anumang mga bahagi ng bahay na gagawin kang hindi ligtas sa pagkawala ng kuryente?
  • Umaasa ka ba sa kuryente para makapasok o para sa seguridad?
  • Magplano ng mga backup para panatilihin kang ligtas at ang iyong whānau kung mawawalan ng kuryente.

Maghanda bago mangyari ang space weather

Ang space weather ay hindi makakapinsala sa iyo o sa iyong mga hayop. Ngunit maaaring mawalan ka ng kuryente sa loob ng maraming araw.

Gumawa ng pang-emerhensyang plano para sa sambahayan. Pag-isipan ang maaaring mangyari kung wala kang kuryente.

Humanap ng mga magagandang mungkahi para sa pamamahala sa epekto ng pagkawala ng kuryente.

Ilista ang mga appliance na dapat alisin sa saksakan sa pagkawala ng kuryente. Ang pag-aalis sa saksakan ng mga appliance ay makakatulong na pigilan ang mga pagbugso ng kuryente kapag bumalik ito.

Kung ikaw ay umaasa sa kuryente sa dahilang-medikal, tiyaking mayroon kang pang-back up na plano. Makipag-usap sa iyong retailer ng kuryente kung paano ka mananatiling ligtas kung walang kuryente.

Ko e laini matutaki ki Loto
Hands marking off a checklist

Gumawa ng plano sa online kasama ang iyong pamilya upang makaraos sa emerhensya. Isipin ang mga bagay na kailangan ninyo araw-araw at alamin ang gagawin kung wala kayo ng mga iyon.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Electricity Authority logo

Kung ikaw o ang isang tao sa bahay ay umaasa sa kuryente upang mahadlangan ang malubhang pinsala sa kalusugan, ipaalam mo ito sa inyong kumpanya ng kuryente. Dapat ka nilang tulungang magparehistro bilang isang konsyumer na umaasa sa kuryente sa dahilang-medikal.

Alamin mula sa website ng Electricity Authority kung paano ka makakapaghanda para sa pagkawala ng kuryente kung umaasa ka sa kuryente para sa mga dahilang-medikal.

Ano ang dapat gawin habang nangyayari ang space weather

Manatiling may kaalaman sa isang emerhensya. Makinig sa mga awtoridad ng serbisyong pang-emerhensya at lokal na Civil Defence.

Ang mga radyong de-baterya o pinapatakbo ng solar, o ang iyong car radio, ay gagana pa rin habang nangyayari ang space weather. Maaaring hindi gumana nang mahusay ang mga linya ng telepono kapag nagsimula ang space weather. Ngunit gagana nang mahusay ang mga ito makaraan ang ilang oras. Magtabi ng listahan ng mahahalagang mga numero ng telepono.

Pinag-aaralan pa rin namin ang tungkol sa space weather. Hindi namin inaasahan na makakaapekto ito sa mga solar power system at generator na hindi konektado sa national electricity grid. Maaari mo pa ring gamitin ang mga ito para paganahin ang iyong telepono, mga appliance o mobile phone. Maaari mo ring gamitin ang iyong kotse para mag-charge ng mga mahalagang bagay tulad ng mga mobile phone.

Huwag gamitin sa loob ng bahay ang mga panlabas na gas appliance gaya ng mga patio heatercamping cooker o barbecue.

Kainin muna ang mga pagkaing nasa iyong fridge, bago ang mga nasa freezer. Pagkatapos ay kainin ang pagkain na nasa inyong cupboard (paminggalan) o sa inyong pang-emerhensyang kit.

Ko e laini matutaki ki Fafo
Ministry for Primary Industries logo

Alamin ang higit pa sa pagpapanatiling ligtas ng pagkain sa website ng Ministri para sa Pangunahing mga Industriya.

Ko e laini matutaki ki Fafo
WorkSafe New Zealand logo

Kung gagamit ka ng portable generator, mahalagang gamitin ito nang tama upang maging ligtas ka, ang iyong whānau, mga manggagawa, at ang iba pang tao.

May payo ang WorkSafe tungkol sa paggamit ng mga portable generator makaraan ang isang emerhensya.

Ano ang dapat gawin makaraan ang space weather

Sundin ang payo ng inyong lokal na Civil Defence Emergency Management Group at mga serbisyong pang-emerhensya.

Ang biglaang pagkawala ng kuryente ay maaaring magpatuloy pa. Patayin ang mga appliance kapag hindi mo ginagamit ang mga ito. Tratuhing naka-“on” (buhay) ang lahat ng mga linya ng kuryente, saksakan (socket) at kagamitan.

Suriin ang pagkain na nasa iyong fridge o freezer bago kainin ang mga ito. Kung masama ang amoy nito o kakaiba ang hitsura, itapon mo ito. Huwag ilagay ulit sa freezer ang pagkaing na-defrost na.

Mga uri ng peligro

Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.