Kapag may nangyaring emerhensya, ang tanggulang pambayan (civil defence) at mga serbisyong pang-emerhensya ay magiging abala sa pagtulong sa mga taong higit na nangangailangan sa kanila.
Sa New Zealand, marami tayong mga likas na peligro. Alamin ang gagawin bago, sa oras at makaraan ang bawat uri ng emerhensya.
Ang mga emerhensya ay maaaring mangyari sa anumang oras, saanman, at kadalasan ay walang babala. Mahalagang gumawa ng mga planong pang-emerhensya upang alam mo ang gagawin kapag may nangyaring emerhensya.
Magplano para sa iyong tahanan, trabaho, paaralan, marae o komunidad.
Dumapa, Sumuklob at Kumapit ay tamang aksyon na magagawa kapag may lindol. Pinipigilan ka nitong mabuwal, ginagawa kang mas maliit na target, at pinoprotektahan ang iyong ulo, leeg at mahahalagang bahagi ng katawan.
Alamin kung paano gagawin ang Dumapa, Sumuklob at KumapitAng mga Emergency Mobile Alert ay mga mensahe tungkol sa mga emerhensya na ipapadala ng mga awtorisadong pang-emerhensyang ahensya sa mga mobile phone na kayang tumanggap ng mga ito. Ang mga ito ay dinisenyo upang panatilihing ligtas ang mga tao at ibinobrodkast sa lahat ng mga teleponong kayang tumanggap ng mga ito mula sa tinarget na mga cell tower.
Alamin ang tungkol sa Emergency Mobile AlertKung ikaw ay may kapansanan o anumang mga pangangailangan na naglalagay sa iyo sa mas malaking panganib sa isang emerhensya, humanap ng payo sa paghahanda. Tingnan ang mga hakbang na maaari mong gawin upang humanap ng impormasyon sa New Zealand Sign Language at audio format.
Paghanap ng payo para sa mga taong may kapansanan