Maaari mong pinuhin ang iyong seleksyon sa pamamagitan ng pagpili mula sa listahan ng mga paksa at wika sa ibaba.
Ang mga lokal na volunteer ang nag-oorganisa at namamahala sa mga Community Patrol. Tutugunan ng mga Community Patrol ang mga pangangailangan ng kanilang komunidad at nakikipagtulungan sa New Zealand Police at mga lokal na konseho.
Sumali sa Community Patrol o magsimula ng isa sa inyong komunidad.
Alamin ang tungkol sa mga New Zealand Response Team at kung saan sila nakabase sa New Zealand.
Ang Land Search and Rescue (LandSAR) ay isang pambansang organisasyon ng mga volunteer. Nagbibigay ito ng tulong na paghahanap at pagligtas sa mga taong nawawala, hindi matagpuan at nasugatan sa buong New Zealand.
Ang Coastguard New Zealand ay nagbibigay ng tulong na paghahanap at pagligtas sa mga tao na nasa karagatan. Nagbibigay sila ng mga programang pang-edukasyon at mga inisyatibang pangkomunidad tungkol sa kaligtasan sa katubigan.
Ang Amateur Radio Emergency Communications (AREC) ay grupo ng mga volunteer na gumagamit ng pandalubhasang mga kasanayan sa komunikasyon at teknikal upang suportahan ang paghahanap at pagligtas sa New Zealand.
Ang Surf Life Saving New Zealand ay nagbibigay ng mga serbisyong lifeguard at emerhensyang pagliligtas. Nag-aalok din sila ng mga programang pangkaligtasan sa mga pampublikong dalampasigan.
Mag-volunteer sa Fire and Emergency New Zealand. Ang Fire and Emergency New Zealand ay may responsibilidad sa paghadlang, pagtugon at pagpigil sa sunog.
Humanap ng mga mungkahi para sa pagkaya pagkatapos ng isang pambansang sakuna upang masuportahan ang iyong kagalingang pangkaisipan.
Ang All Sorts ay binuo ng Mental Health Foundation upang tulungan ang mga tao na maibalik ang ilan sa ahensyang iyon at pagkontrol na maaaring naalis ng pandemya at mga likas na sakuna.
Humanap ng mga mungkahing galing sa magsasaka para sa magsasaka, suportado at ibinatay sa siyensya ng kagalingan.
Ang Farmstrong ay dinisenyo para sa mga magsasaka, manananim at sa kanilang mga pamilya upang makayanan ang tagumpay at kabiguan ng pagsasaka sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay na maaari nilang gawin para pangalagaan ang kanilang sarili at ang mga tao sa kanilang negosyo.
Mahalagang malaman ang iba’t ibang paraan upang ikaw ay manatiling may kaalaman sa oras ng emerhensya.
Ang Ministry for Ethnic Communities at ang National Emergency Management Agency ay nagtulungan upang lumikha ng seryeng ito ng mga video, para alam ng komunidad ang dapat gawin upang maghanda para sa iba't ibang mga sakuna at emerhensya, at paano tutugon kung mangyari ang mga ito.
Ang Taumata Arowai ang regulator ng mga serbisyo ng tubig para sa New Zealand. Alamin sa website ng Taumata Arowai ang tungkol sa inuming tubig sa mga emerhensya at kung paano ka mananatiling ligtas.
Ang mga emerhensya ay maaaring mangyari anumang oras, kahit saan. Ang mga baha, bagyo, lindol, tsunami, bulkan at iba pang peligro ay maaaring makagambala sa ating buhay, makasira ng ari-arian at makagawa ng malubhang pinsala.
I-download ang aming What Would You Do? na buklet sa Ingles para malaman ang maaari mong gawin upang makapaghanda para sa isang emerhensya.
Ang mga emerhensya ay maaaring mangyari anumang oras, kahit saan. Ang mga baha, bagyo, lindol, tsunami, bulkan at iba pang peligro ay maaaring makagambala sa ating buhay, makasira ng ari-arian at makagawa ng malubhang pinsala.
I-download ang aming What Would You Do? na buklet sa Tagalog para malaman ang maaari mong gawin upang makapaghanda para sa isang emerhensya.
Ang sikat ng araw sa New Zealand ay maaaring magkaroon ng mataas na antas ng ultraviolet (UV) radiation. Ang UV radiation ay maaaring magdulot ng pinsala sa balat at mata.
Mapoprotektahan mo ang iyong sarili at ang iyong mga anak sa pamamagitan ng pagiging SunSmart. Alamin kung paano manatiling ligtas habang tinatamasa ang araw sa website ng SunSmart.
Ang matinding init ay maaaring maging seryoso at magbanta sa buhay.
May payo sa paunang lunas ang St John sa pagtukoy at paggamot sa mga kondisyong nauugnay sa init.
Ang matinding init ay maaaring magdulot ng sakit at kamatayan. Ngunit ang epektibong pagpaplano at pagkilos ay maaaring mabawasan ang mga epekto nito sa kalusugan.
Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga epekto ng matinding init sa kalusugan at kung paano gamutin ang mga ito sa website ng Health New Zealand.
Ang pagtatrabaho sa matinding init ay maaaring mapanganib.
Maghanap ng higit pang impormasyon tungkol sa ligtas na pagtatrabaho sa matinding temperatura sa website ng WorkSafe.
Ang pangunang lunas ay nagliligtas ng mga buhay. Alamin kung ano ang hahanapin at kung ano ang gagawin kung kailangan mong magbigay ng pangunang lunas sa website ng St John.